Paggunita sa COVID survivor’s day, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,231 total reads

Matagumpay na isinagawa ng Archdiocese of Lipa ang COVID Survivors’ Day sa Parish and National Shrine of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas.

Ito’y programa ng arkidiyosesis sa pamamagitan ng Ministry on Social Services bilang paggunita sa mga naging biktima ng coronavirus disease, lalo na sa mga hindi nakaligtas sa epekto ng nakamamatay na virus.

Ayon kay Fr. Jazz Siapco, pinuno ng ministry na sa nakalipas na higit dalawang taon ng pandemya ay higit na nasubukan ang katatagan ng bawat isa sa pagharap sa panganib na dala ng COVID-19.

Sinabi ni Fr. Siapco na ang paggunita sa mga nakaligtas sa nakahahawa at nakamamatay na sakit ay pagkakataon din upang kilalanin ang mga kumalinga at tumulong upang makaligtas sa sakit at krisis ng pandemya.

“Kaya ang araw na ito, una ito’y pasasalamat sa Diyos sa buhay na ibinigay sa paggaling at ikalawa’y pagkilala mula sa kadakilaan ng Diyos at pagkilala sa mga tumulong at nakiisa para lahat tayo’y mag-survive dito.” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radio Veritas.

Umaasa ang pari na bagamat hindi naging maganda ang epekto ng COVID-19 ay maging aral at gabay ang mga natutunan sa pagsubok na ito.

Ipinaalala din ni Fr. Siapco na nananatili pa rin sa paligid ang banta ng virus kaya’t mahalagang isaalang-alang ang pag-iingat sa kalusugan at ang pananalangin para sa patuloy na pamamatnubay ng Panginoon.

“Para sa lahat ng survivors lagi tayong magpapasalamat sa Diyos. Marami tayong mga taken for granted na mga bagay-bagay pero dahil sa pandemyang ito, we were able to relieve the experience. And we were able to once more appreciate life, appreciate the goodness of other people. We appreciate God himself na talagang gumagabay sa atin.” ayon kay Fr. Siapco.

Batay sa tala ng Department of Health na sa nakalipas na dalawang taon ng pandemya, umabot sa higit 4-milyon ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 3.9-milyon ang nakaligtas, habang 64-libo naman ang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 181,505 total reads

 181,505 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 252,533 total reads

 252,533 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 285,981 total reads

 285,981 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 321,280 total reads

 321,280 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 540,551 total reads

 540,551 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 160,911 total reads

 160,911 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top