CSW, paiigtingin ang pagsusulong sa karapatan ng mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,331 total reads

Idinaos ng Church People and Workers Solidarity (CWS) ang general assembly at relaunching ng CWS – National Capital Region (CWS-NCR) sa San Pancracio Parish La Loma cemetery compound Caloocan City.

Tema ng general assembly ay “Mga Taong Simbahan at mga Manggagawa! Magkaisa! Kamtin ang Dignidad sa Paggawa at Karapatan ng mga Obrero”.

Layon nitong muling paigtingin ang pakikiisa ng simbahan sa mga manggagawa sa pagkilos at pananawagan upang makamit ang wastong suweldo, pantay na benepisyo at katarungang panlipunan.

Naihalal sa pagtitipon si Father Noel Gatchalian, Parish Priest ng Christ Risen Lord Parish sa Tondo Manila na bagong Chairman ng CWS-NCR.

“Napag-usapan po namin na pagtibayin ang pagkikiisa ng taong-simbahan sa mga manggagawa at ito po ang relaunching ng CWS-NCR, ibig sabihin matagal po siyang tumigil dahil sa mga repression, ngayon po ay pinagtibay na po namin na itatag itong muli at pagtibayin dito sa Greater Manila,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Gatchalian.

Nanawagan naman ang Pari sa mananampalataya na bukod sa pagdarasal ay makiisa sa mga pagkilos at pananawagan ng mga manggagawa.

Ikinagalak din ni Father Noel ang pakikibahagi ng mga manggagawa mula sa ibat-ibang sektor sa isinagawang general assembly upang ibahagi ang mga saloobin at panawagan sa pamahalaan at higit na sa kanilang mga employers.

Bunsod ng patuloy na pagtaas ng inflation rate na dahilan sa pagbaba ng halaga ng suweldo ng mga manggagawa ay unang isinulong ng ibat-ibang labor groups ang pagtatakda ng nag-iisang national minimum wage sa 33-libong piso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 108,436 total reads

 108,436 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 184,864 total reads

 184,864 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 218,312 total reads

 218,312 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 253,612 total reads

 253,612 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 475,876 total reads

 475,876 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top