Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maharlika Fund, magiging “floodgates of corruption”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,577 total views

Tinututulan ng mga labor group ang pagsusulong ng House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act.

Nangangamba si Father Noel Gatchalian, chairman ng Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) na magdudulot ng katiwalian ang panukala at maaapektuhan ang benepisyo ng mga SSS at GSIS member lalu na ang pensyon ng senior citizens.

“CWS reiterates its claim that the Maharlika Fund will only open the floodgates of corruption and will further deprive Filipino People of basic social services, as former Bayan Muna Representative Neri Colmenares Pointer out, ang kailangan natin ay dagdag na SSS pension, hindi dagdag ng pagkakataon sa korapsyon,” pahayag ni Father Gatchalian sa Radio Veritas.

Umaapela naman ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kongreso na isulong ang batas na magtataas sa sahod ng mga manggagawa sa halip na unahin ang pagsasabatas ng HB 6389.

Iginiit ni Jerome Adonis, secretary general ng KMU na naghihirap na ang taumbayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin na resulta ng pagtaas ng inflatrion rate sa 8-porsiyento noong Nobyembre.

“Ang hinihingi namin ay dagdag sahod, hindi dagdag pasakit. Ipasa ang panukalang batas hinggil sa pagtataas ng sahod ng manggagawa, isa na rito ang HB 4898 o ang pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod na nakabatay sa umiiral na family living wage (FLW). Pinapaspasan ni Marcos Jr at mga kasabwat na mambabatas ang mandatory ROTC, apprenticeship, at wealth fund, samantala natutulog sa Kongreso ang mga batas na ikabubuti ng mamamayan!,” paglilinaw ng KMU sa Radio Veritas.

Ang Maharlika Wealth Fund Act ay isinulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na pangangasiwaan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Kapag naisabatas ang panukala, kukunin ang budget nito sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (LBP) at Develpoment Bank of the Philippines (DBP).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 36,816 total views

 36,816 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 53,424 total views

 53,424 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 62,854 total views

 62,854 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 138,913 total views

 138,913 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

META, maghihigpit sa mga kabataan online

 5,029 total views

 5,029 total views Inilunsad ng Meta Philippines, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga child safety advocates ang Screen Smart Philippines Ang digital literacy

Read More »
Scroll to Top