54,697 total views
Give voice to the voiceless!
Dalisay ang hangarin ng mga framers ng 1987 Philippine Constitution o Saligang Batas ng Pilipinas… Ang magkaroon ng kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga mahihirap at under-privileged na mga Pilipino. Dahil sa pangarap na ito, naisabatas ang Partylist System Act o Republic Act No.7941 noong 1991 na inamyendahan naman noong March 3, 1995.
Pero Kapanalig, ang hangarin na ito ng mga gumawa ng Saligang Batas na kinabibilangan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ay pangarap pa rin hanggang sa kasalukuyan kahit mayroon ng Partylist System Act… The law, was never designed to “give voice to voiceless” Kapanalig. Bakit? Ang Partylist System Act ay para lamang pala sa mga makakapangyarihang partido pulitikal, TRAPO at political dynasties sa Pilipinas.
Noong 2013 Kapanalig, ay tuluyang ng naglaho ang dalisay na hangarin ng partylist system sa ruling ng Korte Supreme na ang batas ay hindi lamang para sa mga marginalized sector.., sa mga powerless, kasali na rin ang mga makakapangyarihan.. Tinawag ni dating COMELEC chairman Christian Monsod at miyembro ng 1987 constitutional convention na “bastardized”ang ruling ng Supreme Court.
Ang masakit Kapanalig, sa nalalapit na 2025 Midterm election sa ika-12 ng Mayo 2025,… 190 partylist group ang pinayagan at binigyan ng Commission on Elections (COMELEC) na tsansa(pagkakataon) na punan ang 20-porsiyentong House seat. At hindi na nakakapagtaka,.. sa pinakahuling ulat ng poll watchdog na Kontra Daya, mahigit 50-porsiyento ng 190 partylist group ay konektado sa political dynasties, malalaking negosyo, pulis, sundalo, may mga pending na kasong korapsyon, kaduda-dudang advocacies at mga taong nasa poder at kapangyarihan sa kasalukuyang administrasyon… Nakakabahala at nakakatakot ito Kapanalig.
Nakakalungkot na ang kakulangan ng safeguards at mga hadlang sa partylist system…. Napasok na ito ng mga “ruling elite” na dapat “outsider” sa batas… Naging “free-for-all” na Kapanalig ang partylist system sa Pilipinas…Ang masaklap, tinanggap din nating mga Pilipino ang kabalintunaan, ang kababalbalang ginagawa ng mga pulitiko at negosyante.. Patunayan naman natin mga Kapanalig, tayo ay matatalinong botante, hindi tayo nakukuha sa mga ayudang delata, pera at kung anu-anong pangako.Wala nang silbi ang partylist system act..total overhaul na ang nararapat gawin dito.
Para kay Bishop Bacani, ang Partylist System Act ay isang “total disaster”! It is a total disaster. The 1987 ConCom members thought for it as a way for giving voice to d voiceless, The poor who could not be voted because they did not belong to the powerful political parties. Now they have been coopted by the traditional politicians to further entrench their hold on power. The partylist now needs an overhaul so that the traditional politicians are excluded from them and truly voiceless poor are represented by them. Labor, peasant, urban poor, indigenous cultural communities, women, youth, and such other sectors”.
Kapanalig, nakasaad sa Hebrews 13:5 “Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, “Never will I leave you; never will I forsake you.”
Sumainyo ang Katotohanan.