Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 313 total views

Alam mo ba kapanalig, na dahan dahan ng nagiging aging society ang Asya, kasama na ang ating bansa?

Ayon sa isang pag-aaral, pagdating ng 2050, isa sa apat na tao sa Asya ay magiging senior na o edad 60. Ang populasyon ng mga seniors ay magti-triple mula 2010 hanggang 2050, at maaaring umabot na ng 1.3 billion. Mabilis ang magiging transisyon na ito sa rehiyon.

Sa ating bansa naman, magta-transisyon na tayo tungo sa pagiging aging society pagdating ng 2032.  Pagdating ng 2069, magiging aged society na tayo, kung kailan mga 14% na ng ating populasyon ang magiging 65 o mas matanda pa.

Di man nating kayang tanggapin ngayon, tatanda at tatanda rin tayong lahat. Ito ay blessing kapanalig. Ang pagdami ng mga seniors sa ating paligid ay nangangahulugan na napapalibutan tayo ng karanasan, kasaysayan, kasanayan, kaalaman, at expertise. Kung atin itong magagamit at mamaximize pang lalo, napakalaki ng ganansya nito sa ating bayan.

Kaya lamang handa ba ang ating lipunan sa napipintong pagdami ng mga seniors sa Asya at sa ating bansa?

Maraming may agam agam sa pagtanda dahil karaniwan na nating tinutumbas sa retirement ang ang pag-advance ng ating edad. Para bang wala na tayong magagawa kung maabot na natin ang edad na 60. Isa itong maling paniniwala, kapanalig. Pwede pa ring tayong maging patuloy na produktibo sa ating senior years. Sa katunayan, may mga house bills ngayon na nagrerekomenda ang pag-repeal ng probisyon sa labor code na nagtatakda na ang compulsory age of retirement ay 65 sa ating bansa. Hangga’t nais at kaya pa ng mamamayan, nirerekomenda ng mga house bills na ito na patuloy pang makapagtrabaho ang mamamayan, kahit senior pa siya. Sana ay maipasa ito dahil hindi matatawaran ang karanasan at kaalaman ng seniors sa trabaho, na malaki pa ang maiaambag sa kasulungan ng kanilang mga kumpanyang pinapasukan. Liban pa dito, ang ating mundo ay digital na, kaya’t mas accessible at convenient na ang maraming uri ng trabaho sa merkado.

Kaya lamang, handa man ang mga seniors para sa mas produktibong buhay kahit pa anong edad nila, mawawalang saysay ito kung ang lipunan naman ay hindi handa para sa ating aging society. Kung ating isasantabi ang serbisyo ng seniors dahil lamang sa edad nila o di kaya dahil ang ating mga imprastraktura at pamamahala ay hindi handa sa kanilang pagdami, ating masasayang ang kakayahan ng napakahalagang national treasure ng bayan: ang mga seniors sa ating lipunan.

Huwag naman sana mangyari ito. Sabi nga ni Pope Francis: The elderly must be loved and honoured. Maipapadama natin sa kanila ang ating pagmamahal at pagpupugay hindi lamang sa pag-aalaga sa kanila, kundi sa pagkilala rin sa kanilang kakayahan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 16,685 total views

 16,685 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,745 total views

 30,745 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,316 total views

 49,316 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,104 total views

 74,104 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

THEATRE OF THE ABSURD

 16,686 total views

 16,686 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 30,746 total views

 30,746 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 49,317 total views

 49,317 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 74,105 total views

 74,105 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,614 total views

 70,614 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,312 total views

 94,312 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 103,024 total views

 103,024 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,655 total views

 106,655 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,211 total views

 109,211 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »
1234567