Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 148,542 total views

Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector.

Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng agrikultura sa Pilipinas ay ang kawalan ng sapat na pondo at suporta mula sa pamahalaan. Kahit pa agrikultural ang ating bansa, maliit ang alokasyon nito sa national budget, kumpara sa ibang sektor. Nasa P197 billion ang budget para dito ngayong 2024, mas maliit kumpara sa budget para sa sektor halimbawa ng transport, o ng military. Tumaas man ang halaga na ito mula sa 2024 figures, maliit pa rin ito lalo pa’t nahaharap tayo sa food shortage at epekto ng El Nino at ng napipintong La Nina. Ang kakulangan sa pondo ay nagdudulot ng limitadong access sa modernisasyon ng kagamitan at teknolohiya, kawalan ng suporta sa mga magsasaka at mangingisda, at kakulangan sa mga programa para sa pagpapaunlad ng sektor.

Ang agricultural sector din ay iniiwan na rin ng mga mas batang henerasyon. Ang average age ngayon ng ating mga agricultural workers ay 55 hanggang 59 years old. Ilang taon na lang ang bibilangin, marami na sa kanila ang mag reretiro, at mahaharap tayo sa kakulangan ng agricultural workers. Hamon na naman ito para sa food security ng bansa.

Ang kakulangan sa edukasyon at kasanayan sa larangan ng agrikultura ay nagdudulot din ng patuloy na pagbagsak ng sektor. Maraming kabataan ang hindi na nangangarap na maging magsasaka o mangingisda. Marami sa kanila, hindi na alam ang kahalagahan ng agrikultura. Ang pagpapabaya sa pagtuturo ng mga praktikal na kasanayan sa agrikultura sa mga paaralan ay nagdudulot ng paghihirap sa sektor. Hindi na natin napupukaw ang interes ng bagong henerasyon sa agricultural work.

Ang patuloy na pang-aabuso sa kalikasan at kakulangan sa tamang pangangalaga sa mga likas na yaman ng bansa ay malaki rin ang epekto sa agrikultura. Ang pagkasira ng kalikasan tulad ng deforestation, soil erosion, at pagbabago ng klima ay nagdudulot ng pagbagsak sa ani at productivity ng mga sakahan. Kung hindi ito tutugunan nang maayos, patuloy na mababawasan ang kakayahan ng bansa na mag-produce ng sapat na pagkain para sa mamamayan.

Mahalaga na bigyan ng sapat na pansin at suporta ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas. Isa itong mabisang paraan upang mabawasan ang kahirapan sa ating bayan. Isa rin itong paraan ng pagtitiyak ng sapat na suplay ng pagkain. Hangga’t hindi pinagtutuunan ng sapat na pansin ang mga hamon na kinakaharap ng agrikultura, patuloy itong magiging isa sa mga sektor na napapabayaan sa bansa. Ang tunay na development o kasulungan, kapanalig, ay yaong uri na niyayakap ang lahat, at walang iniiwan. Alam niyo kapanalig, mababasa natin sa Bibliya at makikita natin gawain ni Kristo na lagi niyang inuuna ang mga walang kapangyarihan at nasa laylayan ng lipunan, gaya ng mga nagtatrabaho sa agricultural sector. Kasama rin ito sa tagubilin ng Catholic Social Teachings- ang preferential option for the poor. Kaya’t sana, dito mismo sa ating bansa kung saan napakarami ng Kristyanong katoliko, makita natin kung paano natin pinapabayaan ang sektor kung saan may pinakamalaking bilang ng naghihirap.

Sumainyo ang Katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 14,268 total views

 14,268 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 22,583 total views

 22,583 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 41,315 total views

 41,315 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 57,618 total views

 57,618 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 58,882 total views

 58,882 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 14,269 total views

 14,269 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 22,584 total views

 22,584 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 41,316 total views

 41,316 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 57,619 total views

 57,619 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 58,883 total views

 58,883 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 53,553 total views

 53,553 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,778 total views

 53,778 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 46,480 total views

 46,480 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 82,025 total views

 82,025 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,901 total views

 90,901 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,979 total views

 101,979 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 124,388 total views

 124,388 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 143,106 total views

 143,106 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,855 total views

 150,855 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top