Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 98,315 total views

Mga Kapanalig, kamangha-mangha talaga ang talinong ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Mababasa nga natin sa Exodo 35:31 na tayo ay “pinuspos ng Espiritu ng Diyos at binigyan ng kakayahan, kahusayan, at katalinuhan…”

Nitong nakaraang taon, nakita natin ang pagbulusok ng tinatawag na artificial intelligence o AI. Matagal na natin itong naririnig, pero habang tumatagal ang panahon, naging mas sophisticated, ‘ika nga sa Ingles, ang teknolohiyang ito. Ang ating Simbahan, gaya ng sinabi ni Pope Francis sa kanyang mensahe para sa World Day of Peace na ipinagdiriwang natin sa araw na ito, ay kinikilala ang malalim na pagbabagong dala ng AI. Ginagamit ang AI sa komunikasyon, pamamahala, edukasyon, at maging sa ating interaksyon sa isa’t isa. Hindi man natin namamalayan, naging bahagi tayo sa paglago ng AI sa tuwing gumagamit tayo ng internet sa ating mga gadgets

Sa mga datos at impormasyon tungkol sa atin nakasalalay ang AI gamit ang tinatawag na algorithms. Halimbawa, sa tuwing mag-i-scroll kayo sa Facebook, hindi ba kayo nagtataka kung bakit may mga recommended posts sa inyo na para bang katulad ng mga madalas ninyong basahin o panoorin? Kapag bumibili kayo sa mga online shopping apps, napansin ba ninyong may mga patalastas o ads na katulad ng mga hinahanap natin? Ilan lamang ang mga ito sa mga produkto ng AI. Nakikilala na tayo ng mga makina.

Kaya na rin ng AI na mag-research at magsulat nang detalyado. Pwede mo na itong utusang gumawa ng sulat sa email o lumikha ng picture batay sa ididikta natin. May mga estudyante na ring ginagamit ito para sagutan ang kanilang mga assignment sa eskuwela. Nagiging mas madali na nga ang mga bagay-bagay dahil sa AI. 

Ngunit gaya ng anumang likha ng tao, may mga limitasyon pa rin ang AI. Nakadepende pa rin ito sa mga taong nagpapatakbo ng mga makina at sa impormasyong ipinapasok sa mga ito. Kaya naman, katulad ng ibinababala ni Pope Francis, maaaring gamitin—at ginagamit na nga—ang AI sa tinatawag na disinformation o pagpapakalat ng fake news. Ang mga mali at mapanlinlang na mga impormasyong ito ay nagiging instrumento ng panloloko o sa pagmamanman o surveillance sa mga tao. Nawawala na ang privacy at nagiging mas makasarili na ang mga tao. Lahat ng ito ay parang panggatong na magniningas sa hindi pagkakasundo ng mga tao, na hahantong naman sa kawalan ng kapayapaan.

May isa pang dapat bantayan sa AI. Sa kanyang pagdalo noong Nobyembre sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Amerika, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na handa na ang Pilipinas sa AI. Gusto niyang akitin ang mga negosyante roon na mamuhunan sa Pilipinas at gamitin ang AI upang palaguin pa ang mga talento at kakayahan ng ating mga manggagawa. Naniniwala ang presidenteng kaya ng AI na iangat ang buhay ng mga Pilipino. Kaya nga ba? Ano kaya ang garantiyang hindi papalitan ng AI ang mga tao sa paggawa ng mga trabaho? Sa mga pabrika, marami nang prosesong dating hinahawakan ng mga tao ang ginagawa na ng mga makina. Sa pagpasok ng AI, pinangangambahang mas marami pang trabaho ang ipagkakatiwala sa mga computer. Isa rin ito sa mga ipinapaalala ni Pope Francis tungkol sa AI. At kapag bigo ang gobyernong proteksyunan ang kapakanan ng mga manggagawa, malalagay sa alanganin ang kapayapaang ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan ay bunga ng katarungan. 

Mga Kapanalig, ngayong bagong taon, mas maging matimbang sana ang pakinabang natin sa AI. Bantayan din sana ng mga pamahalaan at ng mga institusyon natin ang teknolohiyang ito upang hindi ito magamit sa maling paraan at sa kawalan ng kapayapaan. Tayo namang mga gumagamit ng teknolohiya ay maging responsable at maingat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 34,729 total views

 34,729 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 42,210 total views

 42,210 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 55,350 total views

 55,350 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 61,323 total views

 61,323 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 67,075 total views

 67,075 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 34,730 total views

 34,730 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 42,211 total views

 42,211 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 55,351 total views

 55,351 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 61,324 total views

 61,324 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 67,076 total views

 67,076 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 42,527 total views

 42,527 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 43,611 total views

 43,611 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,992 total views

 38,992 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,996 total views

 50,996 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 59,038 total views

 59,038 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 50,595 total views

 50,595 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 49,020 total views

 49,020 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,806 total views

 50,806 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,731 total views

 47,731 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 62,045 total views

 62,045 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top