Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na talikdan ang oagiging materyalismo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,232 total reads

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na iwaksi ang materyalismo at pagiging makamundo.

Sa pagninilay ng arsobispo sa pagdiriwang ng simbahan sa World Day of Prayer for Peace kasabay ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos binigyang diin nitong ang pagkaalipin ng tao sa sarili ay kadalasang nagdudulot ng tunggalian at pagkakawatak-watak ng pamayanan.

Binigyang diin ng cardinal na kaakibat ng pagsilang ni Hesus na nagdala ng kapayapaan sa daigdig ay nagpapalaya sa bawat isa mula sa anumang pagkaalipin.

“Let us not be slaves to anger, hatred, indifference, envy, jealousy, wars, selfishness, greed, and the promotion of one’s interest. These should not have any place in our lives. We should not allow these things to enslave us and rob us of peace. We are no longer slaves but children of God,” ayon kay Cardinal Advincula.

Hiling ng cardinal ang panalangin para sa natatanging intensyong magkaroon ng kapayapaan sa mga lugar na may digmaan tulad ng Ukraine, Russia, Israel, Palestine at iba pang mga bansa na umiiral ang civil war.

Sa 57th World Day of Peace itinuon ni Pope Francis ang tema sa ‘Artificial Intelligence and Peace’ kung saan tinalakay ang mabilis na pag-unlad ng agham at teknolohiya gayundin ang kaakibat na panganib nito sa pamayanan.

Batid ng santo papa na bagamat may magagandang hatid ang AI sa lipunan ikinalungkot naman nito ang mapanamantalang paggamit ng iilan para isulong ang personal na interes tulad ng paglikha ng mga sandatang makasisira ng buhay at pamayanan.

Samantala iginiit naman ni Cardinal Advincula na upang maging mabunga ang bagong taong 2024 hingin ang paggabay sa Mahal na Ina tungo sa kanyang anak na si Hesus ang prinsepe ng kapayapaan.
“To be happy this new year we have to live in peace which only the Lord can give,” giit ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 32,896 total reads

 32,896 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 140,592 total reads

 140,592 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 185,262 total reads

 185,262 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 207,468 total reads

 207,468 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 243,005 total reads

 243,005 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top