Ang bibliya ay walang hanggang boses ng panginoon-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,205 total views

Muling pinaaalalahanan ng Diyosesis ng Antipolo ang mga mananampalataya na ang Salita ng Diyos ay hindi lamang babasahing teksto, kundi isang buhay na presensya na nagbibigay buhay sa puso at tahanan ng bawat isa.

Ito ang bahagi ng mensahe ng diyosesis sa pagdiriwang ng National Bible Month ngayong buwan ng Enero kung saan ginugunita naman sa huling linggo ng buwan ang National Bible Week.

Ayon sa diyosesis, ang bibliya ay isang walang hanggang tinig ng Panginoon na tumatawag sa bawat isa sa walang hanggang pag-ibig, matuwid na pamumuhay, matatag na pananampalataya, at tapat na pagsaksi sa katotohanan ng Panginoon sa mundo.

“In this blessed celebration of National Bible Week, we are reminded that the Word of God is not merely a text to be read, but a living presence that breathes life into our hearts and homes. It is the eternal voice of the Lord, calling us to love without measure, to walk with integrity, to stand firm in faith, and to engage with the world as witnesses of His truth.” Bahagi ng mensahe ng Diyosesis ng Antipolo.

Umaasa din ang Diyosesis ng Antipolo na pinangangasiwaan ni Bishop Ruperto Santos na pahintulutan ng bawat isa na hubugin ng Salita ng Diyos ang bawat pamilya, palakasin ang mga pamayanan, at baguhin ang bayan bilang sambayanang nakaugat kay Kristo.

“As the Roman Catholic Diocese of Antipolo proclaims, may we allow the Word to shape our families, inspire our communities, and transform our nation into a people rooted in Christ. In this week dedicated to the Bible, let us recommit ourselves to daily prayer, deeper reflection, and faithful action, so that the Word may truly become flesh in our lives.” Dagdag pa ng Diyosesis ng Antipolo.

Sa paggunita ng National Bible Week mula ika-19 hanggang ika-25 ng Enero, 2026, hinihikayat ng Simbahan ang lahat na muling mapalalim ang buhay panalangin, mas malalim na pagninilay, at tapat na pagkilos, upang ang Salita ay tunay na maging laman ng buhay ng bawat isa sapagkat ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng buhay na ganap, buhay na walang hanggan, at buhay na nagliliwanag sa buong daigdig.

Tema ng National Bible Month 2026 ngayong taon ang “God’s Word Brings L.I.F.E. to Our Hearts and to Our Homes” na naglalayong bigyang diin ang buhay na hatid ng Salita ng Diyos para sa puso at buhay ng bawat isa.

Ang pagdiriwang na ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 44, s. 1986, na nagdedeklara ng buwan ng Enero bilang National Bible Month, bilang paanyaya sa lahat na muling yakapin at isabuhay ang Salita ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 3,356 total views

 3,356 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 25,361 total views

 25,361 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 49,703 total views

 49,703 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 73,943 total views

 73,943 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 109,565 total views

 109,565 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top