Patatagin ang buhay espiritwal kaysa panlabas na imahe, hamon ni Bishop Timoner sa mga obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,667 total views

Binigyang-diin ni Pagadian Bishop Ronald Anthony Timoner na kaakibat ng pagtugon sa tawag ng Diyos ay ang pagtalikod sa kaginhawaan at katiyakan, at pagpili ng pananampalataya at pagsunod.

Sa kanyang homiliya sa unang araw ng 4-day seminar ng obispo sa 131st plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa misang ginanap sa Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Mount Carmel, sinabi ng obispo na ang bawat mananampalataya lalo na ang mga pinuno ng Simbahan ay haharap sa mahalagang pasya sa buhay espiritwal.

“All of us will face the choice of whether to take the safe and comfortable route or trust the Lord and obey what He calls us to do,” ayon kay Bishop Timoner.

Inihalintulad ng obispo ang ganitong karanasan sa tawag ng Diyos kay David sa unang aklat ni Samuel na isang karaniwang pastol na hindi inaasahan ngunit pinili ng Diyos.

Aniya, tulad ni David, ang pagtawag ng Diyos sa tungkulin ng pagiging obispo ay hindi inaasahan kaya’t ang pamumuno sa mga lokal na simbahan ay hindi isang pribilehiyo kundi paglilingkod nang may kababaang loob.

“And just like David, God’s choice may have surprised and disturbed us, even made us dumbfounded or, for some, in awe and shock, especially when the nuncio asks us to accept the office and the ministry to be a bishop. But like him, a humble shepherd, we need to respond in faith and obedience to His will,” dagdag pa ni Bishop Timoner.

Binigyang-diin din ng obispo na hindi panlabas na anyo ang batayan ng Diyos sa pagpili ng Kanyang mga lingkod.

Aniya, hindi tulad ng Diyos, limitado ang kakayahan ng tao kabilang na ang mga obispo na lubusang makita ang nilalaman ng puso ng kapwa kaya’t mahalahang patuloy na magtiwala sa kaloob ng Diyos sa pamamatnubay ng Espiritu Santo.

“In our own ministry as bishops, unlike God, we do not have the ability to determine a person’s heart. And this makes it even more tempting to make decisions based on what we can see. Instead, we are now being invited to seek the Lord and follow His directions every step of the way. We can only ask the Holy Spirit to lead us even though we are unable to discern the complete truth about others,” giit ng obispo.

Hamon ni Bishop Timoner sa mga kapwa obispo at mga lingkod ng Simbahan na higit na paunlarin ang panloob na buhay espiritwal kaysa sa panlabas na imahe.

Para sa obispo, ang tunay na pamumuno sa Simbahan ay nakaugat sa kababaang-loob, tiwala sa Diyos, at bukas na pagsunod sa Kanyang kalooban kahit na mangahulugan ng pag-alis sa sariling “comfort zone.”

Katuwang ni Bishop Timoner sa pagdiriwang ng banal na misa sina Iligan Bishop Jose Rapadas III at Dipolog Bishop Severo Caermare na dinaluhan ng mga obispo, mga pari at madre mula sa iba’t ibang religious congregations, at mga parishoners ng basilica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 4,117 total views

 4,117 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 26,122 total views

 26,122 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 50,464 total views

 50,464 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 74,687 total views

 74,687 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 110,254 total views

 110,254 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top