Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang Cha-cha ay isyu ng tiwala

SHARE THE TRUTH

 588 total views

Mga Kapanalig, maraming isyung lumutang mula sa isinagawang pagdinig ng Senado noong nakaraang linggo tungkol panukalang pag-amyenda sa ating Konstitusyon upang maging federál ang porma ng ating pamahalaan. “Star-studded,” ‘ika nga, ang naging pagdinig dahil dinaluhan ito ng mga dating punong mahistrado ng Korte Suprema, mga kasapi ng 1987 Constitutional Convention, at mga bihasâ sa batas mula sa iba’t ibang unibersidad.

Isang lumutang na isyu ang tungkol sa pagboto ng ating mga mambabatas sa mga ihahaing pagbabago sa mga probisyon ng Saligang Batas kung sakaling Constituent Assembly o Con-Ass ang magiging paraan ng pagbabago sa Konstitusyon. May mga nagsasabing dapat na magkahiwalay na bumoto ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang mga mambabatas sa Senado. Kalaunan, nanindigan ang Senadong boboto ito nang hiwalay sa Mababang Kapulungan.
Ngunit naging tanong din kung Con-Ass nga ba ang tamang paraan? Sa Con-Ass, ang mga kinatawan natin sa Mababang Kapulungan at Senado ang magpapasok ng mga pagbabago sa Konstitusyon, at sila rin ang magpapasya. Samantalang sa Constitutional Convention o Con-Con, tayo po ang pipili ng mga delegadong susuri at magrerepaso sa ating Saligang Batas. Magastos ang Con-Con ngunit ayon nga kay dating Chief Justice Reynato Puno, hindi dapat tingnan ang pag-amyenda sa Konstitusyon bilang paggasta lamang kundi isang “investment” para sa ating bayan. Kung titingnan naman natin sa lente ng mga panlipunang katuruan ng Simbahan, ang Con-Con ay sang-ayon sa prinsipyo ng “people empowerment” o pagbibigay-kapangyarihan sa mga mamamayan. Sa Con-Con, makapipili tayo ng mga taong sa ating pananaw at paniniwala ay mahusay at katiwa-tiwala. Sa madaling salita, mas nakatitiyak tayong maririnig ang ating boses sa Con-Con na bubuuin ng mga taong walang interes sa pulitika. Sabi pa nga sa Second Plenary Council of the Philippines, mahagalang bahagi ng pagpapanibago ng ating bansa ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga mamamayan; kung wala nito, ang tadhana nating lahat ay maiiwan sa kamay ng iilan.

Subalit ang mas malaking isyung tinalakay sa pagdinig ng Senado ay kung napapanahon na nga bang palitan ang ating napakabata pang Saligang Batas. Nasa unahan ng listahan ng agenda ng administrasyong Duterte ang federalismo, kaya naman masigasig ang kanyang mga kaalyadong mambabatas sa Mababang Kapulungan na mag-Con-Ass na kahit pa walang nagaganap na malalim, masinsin, at matalinong pagtalakay sa charter change o cha-cha.
Kulang ang ating oras, mga Kapanalig, upang talakayin natin ang kaibahan ng unitary at federal forms of government. Kapwa may lakas at kahinaan ang dalawa, at magandang nasimulan ng Senado ang pampublikong talakayan sa mga ito. Ngunit hindi lamang ito usapin tungkol sa mga mabubuti o masasamang maidudulot ng pagpapalit ng sistema ng pamahalaan. Nasa likod ng isyung ito ang tiwala o “trust” sa mga nagsusulong ng cha-cha.

Tanungin natin ang ating mga sarili: pinagkakatiwalaan ba natin ang mga lider nating nais baguhin ang ating Konstitusyon? Gaano kadalisay ang kanilang hangaring palitan ito para sa ikabubuti ng lahat? O baka naman may mga interes silang nais protektahan at magagawa nila ito sa ilalim ng isang federál na pamahalaan? Kung Con-Ass pa ang magiging paraan ng pag-amyenda sa Konstitusyon, pakatandaan natin kung saan galing ang karamihan sa mga mambabatas natin—sa mga political dynasties, sa mga angkang nagmamay-ari ng malalawak na lupain, at sa mga grupong konektado sa malalaking negosyo.

Mga Kapanalig, sa harap ng mga nagtatagisang pananaw tungkol sa cha-cha at federalismo, maging mapanuri tayo. Subaybayan ang mga nagaganap na talakayan tungkol rito upang hindi ito matulad sa TRAIN law na ngayon lang natin natatanto ang mabibigat na epekto dahil hindi tayo umimik noong mainit ang usapan tungkol sa reporma sa pagbubuwis. Kung hahayaan nating umarangkada ang cha-cha, baka magising na lang tayo isang araw na wala nang boses sa pamahalaan ang taumbayan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,514 total views

 6,514 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,995 total views

 13,995 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 27,135 total views

 27,135 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 33,108 total views

 33,108 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 38,862 total views

 38,862 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 6,515 total views

 6,515 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 13,996 total views

 13,996 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 27,136 total views

 27,136 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 33,109 total views

 33,109 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 38,863 total views

 38,863 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 40,529 total views

 40,529 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,613 total views

 41,613 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,994 total views

 36,994 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,998 total views

 48,998 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 57,040 total views

 57,040 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,597 total views

 48,597 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 47,022 total views

 47,022 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,808 total views

 48,808 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,733 total views

 45,733 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 60,047 total views

 60,047 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top