Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mamamayan, hinimok na manindigan laban sa death penalty

SHARE THE TRUTH

 489 total views

Umaasa ang Pro-Life Philippines Foundation na maliliwanagan ang mga mamamayang Filipino sa masamang epekto ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Ayon kay Rita Linda Dayrit – President ng Pro-Life Philippines Foundation, ang pagbabalik ng Death Penalty sa bansa ay magsusulong lamang ng karahasan sa kasalukuyang modernong panahon na taliwas sa pag-unlad na matamasa ng bansa.

Giit ni Dayrit, napapanahon na upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang bawat mamamayan sa kahalagahan ng karapatang pantao at pagbibigay ng dignidad sa bawat nilalang.

“Sana po ma-recall ng ating mga kapanalig na itong Death Penalty is actually regression eh, re-progression towards barbaric violence na sana ngayong modern time mas habang nagiging modern ang ating society nagiging deeper ang understanding natin dun sa human rights at dignity na tayo ay hindi mga hayop…” pahayag Dayrit sa panayam sa Radyo Veritas.

Una nang nagpahayag ng mariing paninindigan ang mga human rights at pro-life advocates kasama ang Simbahang Katolika laban sa isinusulong na pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa na inaasahang sisimulan na ring dinggin sa Senado matapos na makapasa sa Kongreso.

Matatandaang noong nakalipas na taon sa botong 217 na Yes, 54 na No at isang nag-abstain ay tuluyan ng nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 4727 o Death Penalty Bill na panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Dahil dito, nananawagan ang Simbahang Katolika sa publiko upang bantayan ang mga Senador sapagkat bilang mga Katoliko ay nararapat na itaguyod at panindigan ng bawat isa ang dignidad at kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 65,146 total views

 65,146 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 65,185 total views

 65,185 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 73,121 total views

 73,121 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 95,237 total views

 95,237 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 112,960 total views

 112,960 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES