Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,098 total views

Ang Mabuting Balita, 6 Disyembre 2023 – Mateo 15: 29-37

ANG SARILI NATING MGA MILAGRO

Noong panahong iyon, nagbalik si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Jesus at kanyang pinagaling sila. Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel.

Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila’y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.” At sinabi ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?” “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Jesus sa kanila. “Pito po,” sagot nila, “at ilang maliliit na isda.” Ang mga tao’y pinaupo ni Jesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.

————

Para sa ating mga Kristiyano, ang KAHABAGAN ay hindi lamang isang pakiramdam o emosyon. Ito ay isang KAPANGYARIHAN na umuudyok sa atin na tulungan ang mga naghihirap. Si Jesus ay nag-alala hindi lamang para sa mga maysakit, may kapansanan atbp.. Siya ay nag-alala na uuwi ang mga tao na walang kinain at maaaring mahilo sila sa daan. Marahil, marami sa atin, kung nasa kalagayan ni Jesus, wala na tayong pakialam kung ano ang mangyari sa kanila pag-uwi tutal nakapagpagaling na tayo at iyon ang kanilang ipinunta. Ngunit para sa ating mga Kristiyano, kung paano ang Diyos ay hindi nagbibilang ng mga kamalian natin at kung paano ang kanyang kapatawaran ay “unli,” walang limitasyon ang KAHABAGAN.

Noong pandemya ng covid, nakita natin na ang KAHABAGAN ay tunay na isang KAPANGYARIHAN. Hindi lamang ang pamahalaan ang nagbibigay ng “ayuda,” kundi pati mga pribadong tao at mga pribadong grupo. Mayroong mga “community pantries” dito at doon. Sa panahong ito na natapos na ang pandemya, patuloy pa rin ang paghihirap at paghihakos, at ang pangangailangan ay malaki. Tuwang-tuwa siguro si Jesus kung naririto siya ngayon at nasasaksihan ANG SARILI NATING MGA MILAGRO!

Panginoong Jesus, nawa’y lagi naming ibahagi ang iyong kahabagan sa mga taong nangangailangan sa aming kapaligiran!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 97,041 total views

 97,041 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 125,046 total views

 125,046 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 142,846 total views

 142,846 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 139,099 total views

 139,099 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 244,261 total views

 244,261 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

EVER-PRESENCE

 9,170 total views

 9,170 total views Gospel Reading for April 20, 2026 – John 6: 22-29 EVER-PRESENCE [After Jesus had fed the five thousand men, his disciples saw him

Read More »

LIMITLESS

 9,827 total views

 9,827 total views Gospel Reading for April 19, 2026 – Luke 24: 13-35 LIMITLESS That very day, the first day of the week, two of Jesus’

Read More »

GREATER

 5,673 total views

 5,673 total views Gospel Reading for April 18, 2026 – John 6: 16-21 GREATER When it was evening, the disciples of Jesus went down to the

Read More »

DEEPLY CONCERNED

 5,900 total views

 5,900 total views Gospel Reading for April 17, 2026 – John 6: 1-15 DEEPLY CONCERNED Jesus went across the Sea of Galilee. A large crowd followed

Read More »
Scroll to Top