Diocese of Tagbilaran, nanawagang ipanalangin ang paghilom at kapayapaan sa Marawi

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,798 total views

Nakiisa ang Diocese of Tagbilaran sa pamayanan ng Prelatura ng Marawi na muling nahaharap sa banta ng karahasan makaraan ang pagpapasabog sa Dimaporo Gymnasium ng Mindanao State University.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, ang nangyaring karahasan sa gitna ng pagdiriwang ng Banal na Misa ay tahasang paglabag sa mga hakbang na ginagawa ng lipunan sa pagkakamit ng kapayapaan.

Binigyang diin ng obispo na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng karahasan na nagdudulot ng pagkakawatak-watak at pagkasira sa magandang ugnayan ng mga komunidad.

We stand in solidarity with the people of Marawi and all those affected by this heinous act. Such appalling violence against individuals gathered for worship is an affront to the fundamental principles of peace, compassion, and respect for human life,” pahayag ni Bishop Uy sa Radio Veritas.

Dalangin ni Bishop Uy ang katatagan ng mga biktima sa insidente lalo na sa pamilya ng apat na indibidwal na nasawi gayundin sa mahigit 50 nasugatan sa pagsabog ng improvised explosive device.

Umaasa ang obispo na tuluyang mapanagot sa batas ang mga sangkot sa pambobomba upang mabigyang katarungan ang mga biktima lalo na ang mga nasawi kasabay ng kahilingang tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Apela ni Bishop Uy sa mamamayan na magkaisang isulong ang pagbubuklod ng pamayanan upang makamit ang payapang lipunan.

“In the face of such tragedy, let us remain steadfast in our commitment to promoting understanding, tolerance, and unity. May we find strength in our faith and in our shared humanity as we strive to overcome the forces of hatred and division,” giit ng obispo.

Hinimok ng opisyal ang mananampalataya na ipanalangin ang paghilom gayundin ang kaliwanagan ng isip ng bawat isa na magkasundong isulong ang kapayapaan.

“We pray for peace and healing for the community of Marawi and for the entire nation, and we call upon all people of goodwill to join us in seeking a future where such violence has no place,” ani Bishop Uy.

Kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad nanindigan si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na hindi kinakialangang magpatupad ng martial law sa rehiyon kasunod ng insidente.

Una nang nagpaabot ng panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pamayanan ng Marawi at sa lahat ng biktima ng MSU bombing.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 96,359 total views

 96,359 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 124,364 total views

 124,364 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 142,164 total views

 142,164 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 138,442 total views

 138,442 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 243,664 total views

 243,664 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top