Archbishop Lazo, nabakunahan na ng COVID-19 vaccine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 542 total reads

Nabakunahan na ng COVID-19 vaccine si Archdiocese of Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo.

Ika-15 ng Marso ng bakunahan ang Arsobispo ng unang dose ng Astrazenica vaccine na siyang ipinayo ng mga manggagamot para sa opisyal ng simbahan.

Nasasaad sa Facebook page ng Archdiocese of Jaro Commission on Social Communications na ang pagpapabakuna ng Arsobispo ay isang paraan bilang proteksyon at paghahanda nito sa sunod-sunod na gawaing pastoral sa Arkidiyosesis para sa papalapit na paggunita ng Semana Santa.

“Last March 15, 2021, His Grace Most Rev. Jose Romeo O. Lazo, D.D., Archbishop of Jaro, got himself vaccinated with the 1st dose of Astrazenica vaccine, as prescribed by physicians. This is one means of preparing himself for the successive pastoral activities he will be undertaking in the Archdiocese of Jaro.” ayon sa Archdiocese of Jaro Commission on Social Communications Facebook page.

Si Archbishop Lazo ang kauna-unahang Arsobispo na nabakunahan ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Unang nagpahayag ng suporta ang Arsobispo sa COVID-19 vaccine rollout sa probinsiya ng Iloilo na nagsimula noong ika-8 ng Marso.

Tiniyak rin ni Archbishop Lazo ang kahandaan ng Arkidiyosesis ng Jaro na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Archdiocesan Commission on Health Care upang makumbinsi ang mga mayroon pa ring alinlangan na magpabakuna ng COVID-19 vaccine.

Matatandaang inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Davao Archbishop Romulo Valles ang kahandaan ng mga Obispo sa bansa na magpabakuna sa harapan ng publiko upang magkaroon ng tiwala ang mamamayan sa Vaccine campaign ng pamahalaan.

Naunang nakapagpabakuna ng COVID-19 vaccine sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict the 16th sa Vatican.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,037 total reads

 20,037 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,164 total reads

 20,164 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,385 total reads

 36,385 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 92,791 total reads

 92,791 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,292 total reads

 216,292 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 299,895 total reads

 299,895 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top