Archbishop Villegas sa mamamayan, isang karangalan ang manindigan laban sa divorce

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,158 total reads

Hinikayat ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mamamayan na tiyakin ang mabuting pagpapasya at pagninilay bago makipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng pag-iisang dibdib o kasal.
Ito ang bahagi ng pastoral exhortation ng arsobispo kasunod ng kuwestiyunableng pagpasa ng panukalang diborsyo sa mababang kapulungan.
Ipinaliwanag ni Archbishop Villegas na mahalagang maging handa sa lahat ng aspeto ang bawat panig sa buhay pag-aasawa na panghabambuhay na pakikipagtipan maging sa kahirapan o kasaganahan ng pagsasama.
“The Church urges that those intending to contract marriage discern with maturity their preparedness for the duties marriage imposes on them – and not treat it as some provisional arrangement that can be conveniently set aside when it so suits them,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
Sinabi ng arsobispo na bilang kristiyanong naniniwala sa mga Salita ng Diyos ay isang karangalan ang manindigan laban sa diborsyo.
Dagdag pa ni Archbishop Villegas na dapat tiyakin ng mga mag-aasawang nakahandang italaga ang mga sarili habambuhay at mamayani ang diwa ng tunay na pag-iibigan na tanda ng pakikipagkaisa ni Hesus sa simbahan.
“Through the wedded love of husband and wife, Christ the Lord seals his love for his Church, and because the bond that the Lord forges between himself and his Church is a bond that can never be broken, divorce would be perfidious to the reality of the sacrament,” giit ni Archbishop Villegas.
Gayunpaman sinabi ni Archbishop Villegas na bagamat walang kapangyarihang hadlangan ng mamamayan ang pasya ng mga mambabatas na isabatas ang diborsyo ay mahalagang isabuhay ng bawat binyagang maging misyonero sa pagbibigay ng wastong katesismo sa mga kapwa kristiyano sa paninindigan ng simbahang katolika laban sa diborsyo.
“The existence of a divorce law will not render divorce a moral option for Catholics for whom it will always remain contrary to the Gospel and to the constant teaching of the Church. Catholics who apply for and obtain divorce and re-marry are in a serious morally wrongful state,” giit ng arsobispo.
Tiniyak ni Archbishop Villegas na bukas ang Family Life Apostolate ng simbahan sa mga diyosesis at parokya para sa mga mag-asawang hindi nagkakasundo sa pagsasama sa pamamagitan ng counseling at companionship program.
Matatandaang 131 mambabatas ng mababang kapulungan ang pabor sa House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act, 109 ang tumutol habang 20 ang nag-abstain.
Batay sa kasaysayan 1917 nang naging legal ang diborsyo sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng mga Amerikano dahil sa adultery o concubinage na pinalawig sa panahong ng mga Hapon habang 1950 nang alisin ang diborsyo at pinalitan ng legal separation.
Sa kasalukuyan tanging Pilipinas at Vatican lang ang naninindigan sa kasagraduhan ng kasal makaraang gawing legal ang diborsyo sa Malta noong 2011.
Naghahanda ang simbahan kasama ang ibang grupong tutol sa pagsasabatas ng diborsyo sa pakikipagdayalogo sa mga mambabatas ng senado para ihayag at ipaliwanag ang saloobin sa pagtutol sa panukala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 37,796 total reads

 37,796 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 73,571 total reads

 73,571 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 299,841 total reads

 299,841 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 193,309 total reads

 193,309 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 285,310 total reads

 285,310 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top