Archdiocese ng Palo, itinuon sa pananalangin ang paggunita ng ika-7 taon ng Yolanda tragedy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Itinuon ng Archdiocese ng Palo, Leyte ang paggunita sa ikapitong anibersaryo ng pananalasa ng Typhoon Haiyan o Super Typhoon Yolanda sa bansa sa pag-aalay ng panalangin para sa mga naging biktima nito.

Ayon kay Fr. Alcris Badana, director ng Relief and Rehabilitation Unit ng Archdiocese ng Palo, hinikayat ng Arkidiyosesis ang pananalangin para sa mga biktima at nasawi sa bagyong Yolanda, gayundin sa mga naging biktima ng nagdaang bagyong Rolly sa Bicol Region.

“We were encouraged to really focus and center our celebration on praying for the victims and of course, kasama rin d’yan especially kasi recently ‘di ba maraming mga bagyo na dumaan. And now the Bicol Region yung Catanduanes at tsaka yung sorsogon are hardly hit,” ang pahayag ni Fr. Badana sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi rin ng pari na nagsagawa rin ang Arkidiyosesis ng special collection bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

“We also included them in our intentions and at the same time, we had a special collection for that intention. Magpadala din tayo ng tulong sa kanila although we have already started encouraging people right after the ano, so for typhoon struct area to make it even more meaningful today na remember the tragedy that we have also experience,” ayon sa pari.

Isinagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng banal na Misa sa Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration sa pangunguna ni Palo, Leyte Archbishop John Du na dinaluhan ng mga mananampalataya maging ng mga opisyal ng lokal at panlalawigang pamahalaan ng Leyte.

Pagkatapos ng Misa ay isinagawa naman ang pagbabasbas sa mass grave ng mga nasawi sa bagyo at pagpapalipad ng kalapati bilang simbolo ng paggunita nito.

Ibinahagi rin ni Fr. Badana, ang pagsasagawa ng Arkidiyosesis ng natatanging debosyon sa Nuestra Señora de la Esperanza de Palo o Our Lady of Hope of Palo, bilang pasasalamat sa maka-inang pangangalaga nito sa kabila ng naranasang sakuna dulot ng bagyong Yolanda.

“The whole Archdiocese are now encouraged since then na every November 8, in commemoration of the celebration of Typhoon Haiyan, we celebrate the local feast in honor of the Blessed Mother, Our Lady of Hope of Palo,” ayon kay Fr. Badana.

Sa tala ng National Disasters Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 6,300 katao ang nasawi dulot ng trahedya kung saan aabot sa 9.5 milyong residente ang naapektuhan lalu na sa bahagi ng Eastern Visayas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,485 total reads

 34,485 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,092 total reads

 85,092 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,963 total reads

 132,963 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,911 total reads

 236,911 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,257 total reads

 321,257 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,940 total reads

 165,940 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top