Mahigpit na panuntunan sa ‘Quarrying’, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total views

Muling nanawagan sa pamahalaan ang Diocese ng Legazpi kaugnay sa quarrying sa lalawigan ng Albay na nagdulot ng matinding epekto at panganib sa mga residente sa nagdaang Super Typhoon Rolly.

Ayon kay Legazpi Bishop Joel Baylon, nawa’y magpatupad ng mahigpit at istriktong panuntunan ang pamahalaan hinggil sa pagsasagawa ng quarrying.

Hiling din ng Obispo na maari namang ipahintulot ang quarrying sa tamang lugar nang hindi magdudulot ng malaking epekto sa kalikasan at magdudulot ng kapahamakan sa mga residente.

“Panawagan namin sa pamahalaan na sana’y istriktong ipatupad an[g] pag-quarry duon lang sa tamang lugar at hindi yung kahit saan-saan na lang,” ang pahayag ni Bishop Baylon sa panayam ng Radyo Veritas.

Iminungkahi ni Bishop Baylon na mas makabubuti at dapat na magsagawa ng quarrying sa gullies o mga kanal sa palibot ng Bulkang Mayon na likas o natural nang pinagdadaluyan ng tubig at lahar.

“Hindi po masama ang pag-quarry, kasi kailangan natin ang mga aggregates para sa paggawa ng mga kalsada, bahay, atbp. Kaya lang dapat sa tamang lugar mag-quarry, at hindi yung kahit saan lang naisin ng nagku-quarry. Ang mga gullies sa palibot ng Mayon ang ideal na lugar kasi duon natural na dumadaloy ang tubig at lahar,” ayon sa Obispo.

Umabot sa halos 300 tahanan sa bayan ng Guinobatan sa Albay ang naiulat na nabaon sa pinaghalong buhangin, putik, lahar, at maging malalaking bato mula sa bulkang Mayon.

Taong 2006 naman nang magdulot rin ng matinding pagkawasak sa Bicol Region ang Super typhoon Reming na nag-iwan ng aabot sa 1,366- katao na nasawi nang magkaroon ng mud flow mula sa bulkang Mayon.

Tiniyak naman ng Department of Environment and Natural Resources sa publiko na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa quarrying kahit na inanunsyo na nito ang suspensiyon ng quarrying activities sa lalawigan bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 29,894 total views

 29,894 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 203,828 total views

 203,828 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 181,461 total views

 181,461 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 244,485 total views

 244,485 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 262,077 total views

 262,077 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top