Archdiocese of Manila, handang-handa na sa pagtanggap kay Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total reads

Pormal nang itatalaga si Manila Archbishop – elect Cardinal Jose Advincula sa susunod na buwan.

Naghahanda na ang pamunuan ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtanggap sa bagong arsobispo lalo’t nanatiling umiiral ang pandemya at kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine ang National Capital Region.

“With great joy and thanksgiving to God, the Archdiocese of Manila welcomes His Eminence Cardinal Jose F. Advincula, appointed by the Holy Father, Pope Francis, as the 33rd Archbishop of Manila,” pahayag ng arkidiyosesis.

Nakatakda sa Hunyo 24, 2021 ang pagtatalaga sa arsobispo kasabay ng kapistahan ni San Juan Bautista at ang ika – 450 anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila at ang kauna-unahang parokya na naging Manila Cathedral.

Naghanda ng iba’t ibang gawain ang arkidiyosesis bilang pagsalubong kay Cardinal Advincula upang matiyak ang pagpatupad ng safety healht measures.

[smartslider3 slider=21]

“Because of the restrictions imposed due to the pandemic, there will be a series of events to welcome Cardinal Advincula. This will ensure that, while the different groups and sectors in the Archdiocese of Manila are given a chance to welcome the new Archbishop, the health protocols are strictly observed,” dagdag pang pahayag.

Alas otso ng umaga isasagawa ang pagtanggap sa arsobispo sa makasaysayang Postigo Gate sa Intramuros sa pangunguna ni Manila City Mayor Francisco Domagoso at ng pamunuan ng Intramuros.

Alas 8:30 isusunod naman ang Civic Ceremony sa Ayuntamiento ang dating City Hall ng lunsod na kasalukuyang tanggapan ng Bureau of Treasury kung saan sasalybong din ang mga alkalde ng Manila, Makati, Mandaluyong, Pasay, at San Juan na pawang sakop ng arkidiyosesis.

Magsisimula ang Banal na Misa sa Manila Cathedral ganap na alas 9 ng umaga na dadaluhan ng mga pari ng arikidiyosesis, Arkidiyosesis ng Capiz, mga opisyal ng pamahalaan, mga kinatawan religious men and women, Council of the Laity ng arkidiyosesis at ang pamilya ni Cardinal Advincula.

“The rite will include the solemn liturgical reception of Cardinal Advincula, the reading of the Apostolic Letter from Pope Francis, the seating at the cathedra, and the renewal of the priestly promises of the clergy of Manila. Cardinal Advincula will deliver the homily, his first preaching as Archbishop of Manila,” ayon pa sa arkidiyosesis.

Sa Hunyo 25 isang misa ang pangunahan ni Cardinal Advincula ganap na alas 9 ng umaga sa Manila Cathedral na dadaluhan ng mga piling layko ng arkidiyosesis na kinabibilangan ng mga kinatawan ng iba’t ibang parokya, mandated organizations at movements at mga kabataan.

Sa Hunyo 26 pangungunahan ng arsobispo ang Evening Prayer sa alas 5 ng hapon kasama ang consecrated men and women ng arkidiyosesis na gagawin sa Manila Cathedral.

Unang parokya na bibisitahin ni Cardinal Advincula ang Mary, Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban Pasay kung saan pangungunahan nito ang pagdiriwang ng Banal na Misa sa Hunyo 27 alas 9 ng umaga.

Hinimok ng arkidiyosesis ang hindi makadadalo sa pagsalubong sa ika – 33 arsobispo ng Maynila dahil sa mga limitasyon na subaybayan ang bawat gawain sa social media pages ng arkidiyosesis.

“So as not to exceed the allowed number of persons in the venues, all the participants and guests in all these events have been identified beforehand. We invite everyone to join the live streaming of all these events, which will be broadcasted by the social media pages of the Archdiocesan Office of Communications, TV Maria, Radio Veritas, Manila Cathedral, and the parishes of the Archdiocese of Manila.”

Matatandaang nitong Marso hinirang ni Pope Francis si Cardinal Advincula bilang arsobispo ng Maynila makaraan ang isang taong sede vacante nang italaga si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang pinuno ng Congregation for the Evangelizations of Peoples.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,801 total reads

 14,801 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,801 total reads

 15,801 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 31,714 total reads

 31,714 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 69,091 total reads

 69,091 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 100,360 total reads

 100,360 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 175,599 total reads

 175,599 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 268,287 total reads

 268,287 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,803 total reads

 14,803 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top