Archdiocese of Manila, nagsagawa ng second collection para sa nasalanta ng bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 778 total reads

Nagsagawa ng second collection ang Archdiocese of Manila bilang pakikiisa at pagtulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa liham sirkular ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, nakasaad na lahat ng mga Kura Paroko, Rector at Chaplain ay inaatasang magsagawa ng second collection sa lahat ng Misa para sa ikaapat na Linggo ng Adbiyento.

Nagsimula na ito kagabi at ngayong araw ng linggo ika-19 ng Disyembre.

Ang lahat ng koleksyon ay ipinasusumite sa Accounting Office ng Arzobisado De Manila hanggang sa December 22, 2021.

“As we pray for the victims of Typhoon Odette hitting several Arch/Dioceses of the Visayas and Mindanao, we will also help in the alleviation of their pains,” bahagi ng circular letter ni Cardinal Advincula.

Tiniyak naman ni Cardinal Advincula ang pag-aalay ng panalangin para sa patuloy na kaligtasan ng mga biktima ng bagyo lalo na ngayong naghahanda ang lahat para sa pagdating ng Panginoong Hesus.
Nauna nang naglaan ng P2.5- milyon ang Caritas Manila bilang paunang tulong sa mga lalawigang labis na napinsala ng bagyong Odette.
Inaanyayahan naman ng pamunuan ng Radio Veritas at Caritas Manila ang mamamayan na makiisa sa isasagawang “telethon” para sa mga nasalanta ng bagyo.
Live na mapapakinggan sa Radio Veritas 846AM, Skycabble, DZRV.ph ang telethon simula alas-siete ng umaga hanggang alas-sais ng gabi araw ng Lunes ika-20 ng Disyembre 2021.
Ang malilikom na pondo sa telethon ay ipapadala ng Caritas Manila sa mga apektado ng bagyo upang sila ay makabangon sa dinanas na sakuna.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,887 total reads

 57,887 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,084 total reads

 137,084 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,529 total reads

 170,529 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,827 total reads

 205,827 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,008 total reads

 430,008 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,219 total reads

 157,219 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top