Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,365 total views

Ang Mabuting Balita, 1 Marso 2024 – Mateo 21: 33-43. 45-46

ATING PAG-ASA

Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa mga punong saserdote at matatanda ng bayan: “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito’y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang parte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayun din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha’y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila’y nag-usap-usap: ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin nang mapasaatin ang kanyang mamanahin. Kaya’t siya’y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay. “Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamahang iyon?” Sumagot sila, “Lilipunin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.” Tinanong sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan?

‘Ang batong itinakwil ng
mga tagapagtayo ng bahay
ang siya naging batong panulukan.
Ginawa ito ng Panginoon,
at ito’y kahanga-hanga!’

Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghaharian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat. Narinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Dadakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Jesus.

————

Mabuti na lang hindi hinintay ng Diyos na manalig ang mga Judio na si Jesus ay Anak ng Diyos at siya ay ang Mesiyas, bago ipinahayag ang Mabuting Balita sa mga hentil (kabilang tayo rito). Ang Kristiyanismo ay kumalat na parang napakalaking sunog kahit napakaraming mga unang Kristiyano, kasama ang mga apostoles, ang ginawang martir o inusig. Walang anoman at walang sinoman ang nakapaghadlang sa pagkalat ng Kristiyanismo sa buong mundo. Ito ang ATING PAG-ASA sa uri ng mundo na mayroon tayo ngayon. Hindi maaaring manaig ang kasamaan! Sa ating pagpapatotoo kay Kristo sa buhay natin, kasama ang KAPANGYARIHAN ng Diyos, ang Kristiyanismo ay patuloy na kakalat tulad ng isang napakalaking sunog.

Panginoong Jesus, napakapalad namin na nakilala ka namin, at sa pagpapakilala mo sa amin ng Ama na naglikha sa amin, at sa pagpapadala mo ng iyong Espiritu Santo upang manatili ka sa aming piling magpasahanggan ngayon!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,146 total views

 51,146 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 47,015 total views

 47,015 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,217 total views

 83,217 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,817 total views

 91,817 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,819 total views

 116,819 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ETERNALLY PRESENT

 1,505 total views

 1,505 total views Gospel Reading for June 07, 2026 – John 6: 51-58 ETERNALLY PRESENT The Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ

Read More »

IN OUR HEARTS

 2,961 total views

 2,961 total views Gospel Reading for June 06, 2026 – Mark 12: 38-44 IN OUR HEARTS In the course of his teaching Jesus said, “Beware of

Read More »

ONCE AND FOR ALL

 3,072 total views

 3,072 total views Gospel Reading for June 05, 2026 – Mark 12: 35-37 ONCE AND FOR ALL As Jesus was teaching in the temple area he

Read More »

BEST VERSION

 3,236 total views

 3,236 total views Gospel Reading for June 04, 2026 – Mark 12: 28-34 BEST VERSION One of the scribes came to Jesus and asked him, “Which

Read More »
Scroll to Top