Ayuda ng pamahalaan sa sektor ng agrikulutura, tugon sa banta ng krisis sa pagkain sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,170 total reads

Naniniwala ang grupo ng mga magsasaka na kinakailangan ang tulong ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor ng agrikultura.

Ayon sa ‘Federation of Free Farmers (FFF)’ at ‘Bantay Bigas’, ito dahil sa pangamba sa banta ng ‘Food Crisis’ ayon na rin sa ulat ng Department of Agriculture dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa grupo, mahalaga ang pagkakaroon ng mga financial subsidies sa mga magsasaka at mangngisda upang maging maayos ang kanilang mga operasyon katulad ng irigasyon sa kanilang mga lupang sakahan.

“Bigyan natin sila ng subsidy para sa abono, pati sa krudo para sa kanilang mga makinarya at irrigation pump, and tulong para mailako nila ang kanilang produkto sa tamang presyo,” ayon sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Raul Montemayor -Pangulo ng FFF.

Iginiit naman ni Cathy Estovillo-tagapagsalita ng Bantay Bigas, hindi nakatulong ang Republic Act No.11203 o Rice Tariffication Law (RTL) sa kalagayan ng mga magsasaka dahil mas pinadali ang pagpasok ng imported na bigas sa bansa.

“Sa halip na palakasin ang local production para matugunan ang kakapusan sa produksyon. RA 11203 ang solution..nag nagresulta ng pagkalugi ng mga magsasaka..Import dependent kaya kapag may problema sa presyo ng bigas ng langis sa world market..apektado agad ang ating ekonomiya,” ayon din sa ipinadalang mensahe ni Estovillo sa Radio Veritas.

Sa First Quarter ng 2022, naitala ng Philippines Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 0.3% ang agricultural output ng Pilipinas.

Upang mapangalagaan naman ang kanilang sariling suplay ng trigo na sangkap sa paggawa ng tinapay bunsod ng digmaan ng Russia at Ukraine ay ipinatupad na ng India ang export ban ng produkto.

Una ng nanawagan ang Catholic Bishops conference of the Philippines (CBCP) na unahin at bigyang tulong ang sektor ng agrikultura lalo na ngayong panahon ng pandemya upang matiyak na may sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 86,050 total reads

 86,050 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,961 total reads

 119,961 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 155,261 total reads

 155,261 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 381,531 total reads

 381,531 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 270,390 total reads

 270,390 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top