Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Uri ng Trabaho

SHARE THE TRUTH

 68,129 total views

Green jobs at digital jobs – mga bagong usbong na trabaho para sa Pilipino.

Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan ang negatibong epekto sa kalikasan. Sa Pilipinas, ang pag-usbong ng green jobs ay naglalayong tugunan ang mga isyu sa environmental sustainability at climate change. Handa na ba ang mga Pilipino sa mga trabahong gaya nito?

Ang renewable energy sector, halimbawa, ay nag-aalok ng maraming oportunidad sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng solar, wind, at hydroelectric power, hindi lamang natin natutugunan ang pangangailangan sa enerhiya, kundi nababawasan din ang pagdepende sa mga fossil fuels na nakakapinsala sa kapaligiran. Ang mga trabaho sa sector na ito ay nagbibigay ng pagkakataon para sa mga manggagawa na magkaroon ng stable at makabuluhang trabaho habang tumutulong sa pangangalaga ng kalikasan.

Kasabay ng pag-usbong ng green jobs, ang digital jobs ay naging mas popular din sa Pilipinas. Ang digital jobs ay mga trabaho na gumagamit ng teknolohiya at internet. Kabilang dito ang mga trabaho sa information technology, e-commerce, digital marketing, online education, at marami pang iba. Ang paglaganap ng digital jobs ay bunga ng mabilis na pagbabago sa teknolohiya at globalisasyon. Na-maximize na ba ng mga Pilipino ang mga makabagong digital jobs na ito?

Bagama’t maraming oportunidad ang green at digital jobs, may mga hamon din na kailangang harapin. Ang kakulangan sa kaalaman at kasanayan ay isa sa mga pangunahing balakid sa pagkuha ng mga trabahong ito. Upang matugunan ito, mahalaga ang patuloy na edukasyon at pagsasanay para sa mga manggagawa. Ang mga programa ng gobyerno at pribadong sektor na naglalayong magbigay ng skills training at edukasyon ay mahalaga upang matulungan ang mga Pilipino na makasabay sa mga pagbabago sa ekonomiya at mga bagong trabaho na ito.

Isa pang hamon ay ang kakulangan sa imprastruktura, lalo na sa mga rural na lugar. Upang masigurong lahat ng Pilipino ay may access sa mga oportunidad na hatid ng green at digital jobs, mahalagang mapabuti ang internet connectivity at iba pang teknolohikal na imprastraktura sa buong bansa. May access man kasi sa mga rural areas, kapanalig, pero hindi lahat kaya ito, dahil na rin sa presyo at sa liit ng kita. Kaya nga mga tingi-tingi na data lamang ang hawak ng marami nating kababayan. Hindi ito sapat para sa trabaho o kahit raket man lang.  Hirap din kumuha ng mga teknikal at green jobs dahil hindi pa sapat ang mga training at kasanayan na binibigay para  sa mga ganitong trabaho.

Ang pag-usbong ng green at digital jobs sa Pilipinas ay nagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga manggagawa at sa buong bansa. Kailangan natin akapin ito para sa sustainable development ng ating bayan. Kailangan natin tumutok sa edukasyon, pagsasanay, at pagpapabuti ng imprastruktura upang ating ma-maximize ang mga bagong oportunidad na ito. Hindi lamang trabaho ang biyaya nito, kundi pati ang pagsulong ng isang mas luntiang at makabagong Pilipinas. Alinsunod ito sa biyaya ng trabaho, na nakasaad sa Gadium et Spes:  When people work, they not only alter things and society, they develop themselves as well. They learn much, they cultivate their resources, they go outside of themselves and beyond themselves… these advances can supply the material for human progress.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 47,640 total views

 47,640 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 64,608 total views

 64,608 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 80,438 total views

 80,438 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 172,290 total views

 172,290 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 190,456 total views

 190,456 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Move people, not cars

 47,641 total views

 47,641 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 64,609 total views

 64,609 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 80,439 total views

 80,439 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 172,291 total views

 172,291 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 190,457 total views

 190,457 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 165,634 total views

 165,634 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 225,726 total views

 225,726 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 235,621 total views

 235,621 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 142,587 total views

 142,587 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 142,295 total views

 142,295 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »
Scroll to Top