Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 107,941 total views

Kapanalig, napakalaking hamon ng basura sa ating bayan. Hanggang ngayon, mataas pa rin ang ating waste generation rate. Kada araw, 61,000 million metric tons ng basura ang ating nililikha at 24% nito ay plastic. Sa paglipas ng mga taon, ang problema sa basura ay lalong lumalala, at nagiging banta ito sa ating mga komunidad, likas na yaman, at kagandahan ng bansa.

Saan mang dako ng Pilipinas, nagkalat ang mga tambak na basura sa mga ilog, kalsada, kagubatan, at lalo pa sa mga urbanisadong lugar. Ilan sa mga pangunahing sanhi ng problema ay ang kawalan ng disiplina ng mga mamamayan, maling pamamahala ng basura, at ang kakulangan sa edukasyon tungkol sa proper waste disposal.

Nito lamang nakaraang Translacion, gabundok na basura ang naiwan matapos ang prusisyon.  Kailan natin makikita kapanalig, na hindi tugma sa ating pagiging Kristiyanong katoliko ang patuloy na pagtaas ng bilang ng basura sa ating lipunan?

Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdami ng basura ay ang paggamit ng single-use plastics. Ang mga plastic ay malaking bahagi ng basura sa bansa at nagdudulot ng malaking pinsala sa kalikasan. Madalas itong natatapon sa mga ilog at karagatan na nagdudulot ng polusyon at masamang epekto sa mga hayop at halaman.

Ang mga iligal na tambakan ng basura ay isa ring malaking suliranin. Sa ilalim ng batas, bawal itapon ang basura sa mga lugar na hindi itinakdang pampublikong pasilidad. Pero marami pa rin ang nagtatapon ng basura sa mga ilalim ng tulay, tabi ng kalsada, o kahit saan na lamang. Ang mga ganitong gawain ay nagbubunga ng soil at water pollution, na maaring makasama sa kalusugan ng tao at ng kapaligiran.

Ang kakulangan sa tamang edukasyon tungkol sa waste management at recycling ay nagiging dahilan din kung bakit laganap ang problema sa basura. Marami sa atin ang hindi pa nakakaunawa kung paano tamang itapon ang basura at kung paano mag-recycle. Dapat magsagawa ng masusing kampanya at edukasyon tungkol dito upang maipahayag ang kahalagahan ng responsible waste disposal. Kulang din ang mga basurahan sa ating mga pampublikong lugar gaya sa mga daanan o sidewalks, at mga public spaces gaya ng parke. Kung meron man, hindi regular na nakokolekta ang mga basura dito.

Mahalaga ang papel ng pamahalaan, lokal na komunidad, at bawat isa sa atin sa pagtugon sa problema ng basura sa ating bansa. Dapat magkaroon ng mas mahigpit na implementasyon ng mga batas na naglalayong pigilan ang ilegal na pagtatapon ng basura. Mahalaga rin ang pagsusulong ng mga programa at proyekto na naglalayong mabigyan ng solusyon ang problema sa basura, tulad ng waste segregation at recycling initiatives. Kolektibong pagsisikap ang kailangan. Kailangan nating gawin ito ng sama-sama dahil ayon nga sa Laudato Si: Bilang Kristiyano, kailangan nating mapagtanto ang ating responsibilidad sa lahat ng nilikha, at ng ating tungkulin sa kalikasan at sa Diyos. Ito ay esensyal na bahagi ng ating pananalig.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 71,046 total views

 71,046 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 87,218 total views

 87,218 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 126,929 total views

 126,929 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 186,805 total views

 186,805 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 199,096 total views

 199,096 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pasko ng mga OFW

 71,047 total views

 71,047 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 87,219 total views

 87,219 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 126,930 total views

 126,930 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 186,806 total views

 186,806 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 199,097 total views

 199,097 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 158,489 total views

 158,489 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 166,457 total views

 166,457 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

ICI LIVE

 179,228 total views

 179,228 total views Isang biyaya… blessings in disguise… ipinagkaloob na Kapanalig ng Panginoon, ang kahilingan ng mayorya ng mga Pilipino matapos ang dalawang buwan. Ngayong lingo,

Read More »

CLIMATE CHANGE PERFORMANCE INDEX

 179,449 total views

 179,449 total views Nasaan na nga ba ang Pilipinas sa usapin ng pagbabawas sa banta ng nagbabagong klima? Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumausdos sa ika-19

Read More »
Scroll to Top