Kahirapan at pagkasira ng kalikasan, iisang sugat na hindi maaring paghiwalayin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 37,943 total views

Binigyang-diin ni Caritas Philippines president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na ang tunay na pananampalataya ay nagsisimula sa pag-ibig ng Diyos at humahantong sa malinaw na paninindigan laban sa mga sistemang pumipinsala sa mahihirap at sa kalikasan.

Ginawa ni Bishop Alminaza ang pagninilay sa ginanap na 3-day church-led conference na “Hayuma: Mending the Broken” sa University of Santo Tomas noong January 15, 2026.

Sa kanyang pagninilay na pinamagatang “Dilexi Te: Tolerated Evils and How to Be the Church of the Poor,” iginiit ng obispo na ang pananampalataya ay nagmumula sa pag-ibig ng Diyos sa mahihina at dukha, at ang pag-ibig na ito ay hindi dapat manatiling ideya lamang, kundi isinasabuhay sa konkretong pagkilos.

Sinabi ng Obispo na ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, at kawalang-seguridad sa kabuhayan ay hindi bunga ng kapalaran kundi resulta ng mga sistemang pumapabor sa iilan habang pinapasan ng nakararami ang bigat ng krisis.

“Dilexi te opens with a quiet but unsettling declaration: ‘I have loved you.’… The exhortation warns us that the greatest threat is not outrage but indifference. A culture that grows used to suffering. A society that moves on quickly. A faith that risks becoming comfortable with what should never be acceptable,” ayon kay Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ni Bishop Alminaza na ang pagkasira ng kalikasan at ang patuloy na kahirapan ay iisang sugat na hindi maaaring paghiwalayin.

Ayon sa obispo, tungkulin ng Simbahan na hindi lamang tumugon sa agarang pangangailangan, kundi hamunin at baguhin ang mga patakarang lumilikha ng kawalan ng katarungan.

Iginiit ng pangulo ng Caritas Philippines na ang Simbahan ay tinatawag na maging konsensya ng lipunan, hindi upang aliwin ang makapangyarihan, kundi upang tumindig kasama ng mahihirap, pakinggan ang kanilang tinig, at isulong ang makatarungang pamamahala at ekonomiya.

“May we become a Church in the Philippines that refuses tolerated evils. A Church that hears the cry as one cry. A Church that walks with the poor, patiently mending what has been broken, together,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 46,267 total views

 46,267 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 70,583 total views

 70,583 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 106,373 total views

 106,373 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 147,146 total views

 147,146 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 197,226 total views

 197,226 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top