Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suriin ang sarili kung kanino umaasa, hamon ni Cardinal Tagle sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,328 total views

Hinamon ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang mga mananampalataya na suriin ang sarili kung kanino umaasa.

Sa kanyang homiliya sa kapistahan ni Santa Agnes sa misang ginanap sa Imus Cathedral, binigyang-diin ng kardinal na madalas banggitin ng mga mananampalataya na ang Diyos ang kanilang pag-asa subalit taliwas ang aktuwal na pamumuhay.

“Sa panahon natin ngayon, tanungin natin, kanino ba ako tunay na umaasa? Kanino ba ako talaga kumakapit? Baka bukambibig lang natin na Diyos ang ating pag-asa, pero sa tunay na buhay, hindi naman pala Siya,” ani Cardinal Tagle.

Inihalimbawa ni Cardinal Tagle sina Santa Agnes, Haring David, at si Hesus upang bigyang diin ang halaga ng kapangyarihan ng pananampalataya kumpara sa kapangyarihang makasanlibutan.

Aniya sa kanilang karanasan bagamat itinuturing na mahihina at maliit ng mundo ay higit na nanaig ang kanilang pagtitiwala sa Diyos.

“Ang lakas na tanging ang Diyos ang nagbibigay ang hinawakan nina Santa Agnes, David, at ni Jesus, at sa lakas na iyon, napagtagumpayan nila ang kahihiyan, karahasan, at pagmamaliit,” paliwanag ni Cardinal Tagle.

Pinuna rin ng kardinal ang kultura ng pagkapit sa makapangyarihan, kahit may bahid ng katiwalian na isang maling pamantayan ng lipunan.

“Kapit, kapit, kapit tayo sa tinuturing ng mundo na makapangyarihan, kahit alam nating may mali, basta mayaman at malalapitan,” giit ni Cardinal Tagle.

Binigyang-linaw rin ni Cardinal Tagle na hindi sa dami at taas ng kapangyarihan nasusukat ang tunay na paglilingkod.

“Kung ibig nating maglingkod sa Diyos at sa bayan, hindi naman kailangan maging matayog pa tayo. Sa mga maliliit at humble na paggawa natin sa araw-araw, dkiyan mababago ang buhay. Hindi mababago ang buhay ng iilang may kapangyarihan. Ang magbabago ng buhay ay ang tao na ordinaryo,” ayon sa kardinal.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na huwag maliitin ang kanilang kakayahan at kalagayan, bagkus ay kumapit sa Diyos ang pinagmumulan ng pag-asa at lakas.

Si Santa Agnes ay batang martir sa Roma noong ikatlong siglo kung saan sa murang edad, buong tapang na tinanggihan ang pagtalikod sa pananampalataya at ang sapilitang pag-aasawa.

Pinaslang ang banal dahil sa kanyang katapatan kay Kristo. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing January 21 bilang huwaran ng kadalisayan at matibay na pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 15,362 total views

 15,362 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 38,384 total views

 38,384 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 77,878 total views

 77,878 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 92,022 total views

 92,022 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top