Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,150 total views

Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine.

Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning.

Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan ang nasawi na nag-iwan ng malaking pinsala hindi lamang sa kabuhayan kundi sa buhay ng marami.

Ayon sa pinuno ng Kamara, nawa ang araw na ito ay maging pagkakataon sa bawat isa para sa higit pang pagmamalakasakit at pagkakaisa, gayundin ang pakikiramay sa bawat pamilyang nasaktan at pamayanang labis na nasalanta ng nagdaang kalamidad.

Sa paggunita natin sa Araw ng Pambansang Pagdadalamhati, sinabi ni Romualdez na nawa’y matagpuan ng bawat isa ang mag-alay ng panalangin, at paggawa ng kabutihan para sa mga nagdadalamhati at sa mga bumabangon muli.

“May the souls of those who perished rest in peace, and may we, as one Filipino family, find strength in each other as we move forward. Together, let us remember, let us grieve, and let us help one another rise from this tragedy with renewed hope and unity,” ayon pa kay Romualdez.

Bilang pagtugon sa direktiba ng punong ehekutibo, naka-half mast din ang bandila ng Pilipinas sa Batasang Pambansa, bilang pakikiisa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dulot ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Itinalaga naman ni Pope Francis ang buong buwan ng Nobyembre , para sa pananalangin sa lahat ng mga magulang na nagdadalamhati sa pagkawala ng anak.

Nawa ayon sa Santo Papa ay makasumpong sila ng lakas sa kanilang komunidad at biyaya ng kapayapaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 2,893 total views

 2,893 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 12,257 total views

 12,257 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 38,713 total views

 38,713 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 89,313 total views

 89,313 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 94,763 total views

 94,763 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top