Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bayanihan spirit, itinataguyod ng Order of Malta Philippines

SHARE THE TRUTH

 2,321 total views

Tiniyak ng Order of Malta Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga mahihirap at may karamdaman.

Ito ang pahayag ni Hospitaller Doña Lena Vera sa ginanap na medical mission nitong October 14 kasabay ng pagdiriwang sa kauna-unahang World Day, of the Order of Malta.

Ayon kay Vera, ang paglunsad ng mga gawain sa World Day ay pagpapakita ng pakikiisa sa pamayanan sa pamamagitan ng iba’t ibang programa na mapakikinabangan ng mamamayan.

“Isang layunin ng Order of Malta ay ipaalam sa madla na nandito kami para tumulong sa kanila through our services na ginagawa namin sa buong mundo, to promote our work, to promote our charism which is defense of faith and service to the poor and the sick,” pahayag ni Vera sa Radio Veritas.

Mahigit sa 200 indibidwal ang nakinabang sa libreng konsultasyon sa Ear, Nose, Throat o ENT, pediatric, obstetric, at gynecological cases kung saan nakatuwang ng grupo ang Makati Medical Center, San Lazaro Hospital at PHAP Cares Foundation.

Bukod pa rito ang feeding at formation program para sa mga kabataan kung saan bukod sa pagtutok sa usaping pangkalusugan ay hinuhubog din ang pagkatao ng bawat bata upang maging mabuting kasapi ng kristiyanong pamayanan.

Gayundin ang pagkakaroon ng programa para sa mga magulang lalo na sa kababaihan upang maingat ang antas ng kanilang pamumuhay at matutuhang maging independent sa pamamagitan ng Women-preneur for plastics kung saan katuwang ng grupo ang Malteser International at pamahalaan ng Germany.

“We promote the Bayanihan spirit…what we aim to do is to multiply the effect, the influence, the impact that we have on small communities, the people that we help in turn help other people,” giit ni Vera.

Samantala ibinahagi ni Doña Josephine Bantug, ang pangulo ng Order of Malta Philippines na nakikipag-ugnayan din ang grupo sa mga bahay ampunan, home for the aged, mga ospital lalo na ang kanilang advocacy program sa mga may leprosy at HIV/AIDS.

Dagdag pa nito ang pagpapatayo ng proyektong patubig sa 56 eskwelahan at mga komunidad partikular sa Benguet sa pamamagitan ng Water, Sanitation and Hygiene (WASH) Projects na layong tulungan ang mamamayan na magkaroon ng malinis na pagkukunan ng tubig.

Nakapagpatayo rin ang grupo ng 641 bahay para sa mga residente ng Bantayan Island sa Cebu at Basey Samar na lubhang napinsala sa supertyphoon Yolanda noong 2013.

Ang World Day celebration ng grupo ay ipinagdiwang sa araw na pinakamalapit sa October 13 ang araw ng paggunita kay Blessed Gerard, ang tagapagtatag ng Order of Malta.

Pinasalamatan ni Vera ang mga tumulong maisakatuparan ang medical mission gayundin ang mga dumalo sa gawain.

“Nagpapasalamat kami sa mga tumulong, na nagbibigay sila ng oras, talino at galing; nagpapasalamat kami sa komunidad na tinutulungan namin kasi nabibigyan kami ng pagkakataon na ipatupad namin ang misyon ng Order of Malta,” saad ni Vera.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 663 total views

 663 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 8,145 total views

 8,145 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 21,285 total views

 21,285 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 27,258 total views

 27,258 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 33,013 total views

 33,013 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 6,044 total views

 6,044 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mag-asawa, hinimok na maging huwaran sa mga anak

 5,398 total views

 5,398 total views Hinimok ng Archdiocese of Cebu Commission on Family and Life ang mga mag-asawa na magsilbing huwaran sa lipunan lalo na sa kabataan upang maisakatuparan ang habambuhay na pagsasama. Sa ginanap na ikawalong Archdiocesan Couples’ Day kasabay ng kapistahan nina Saints Louis at Zelie Martin ang magulang ni St. Therese of the Child Jesus,

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Kapayapaan, patuloy na ipinagdarasal ni Pope Francis

 5,472 total views

 5,472 total views Patuloy na ipinapanalangin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kaayusan at kapayapaan ng buong daigdig. Sa Angelus na pinangunahan ni Pope Francis hiniling nito ang pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria para sa kahinahunan ng puso ng mga biktima ng karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito rin ay kaugnay sa pagdiriwang ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa ika-5 AACOM

 8,542 total views

 8,542 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Cebu ang mananampalataya na makiisa sa ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, magandang pagkakataon ang pagtitipon upang magbuklod ang mananampalataya sa pag-asang dulot ng habag at awa ng Panginoon na ipinapadama sa sangkatauhan. “To hope is to believe in something good. But

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Day of prayer for WPS, isasagawa ng Archdiocese of Lingayen Dagupan

 8,550 total views

 8,550 total views Maglulunsad ng Day of Prayer for the West Philippine Sea ang Social Action Ministry ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Pangasinan. Ito ang hakbang ng arkidiyosesis para isulong ang mapayapang pagresolba sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Ipinabatid ng St. John the Evangelist Parish sa Infanta Pangasinan na mahalagang palakasin

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inanyayahan sa National Fatima convention

 9,077 total views

 9,077 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima of the Philippines ang mananampalataya na lumahok sa isasagawang National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion. Isasagawa ito sa December 10, 2024 sa Mary Mother of Hope Chapel ng Landmark Trinoma sa Quezon City. “Marian devotees, members of church organizations (Fatima and

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Isabuhay ang halimbawa ng Birhen ng Antipolo, habilin ng Obispo sa mga deboto

 9,092 total views

 9,092 total views Nagpasalamat si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga debotong nakiisa sa pilgrimage season ng diyosesis sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Sa pagatatapos ng Ahunan sa Antipolo nitong July 9,binigyang diin ng obispo ang paalalang bukas-palad na tinanggap ng Mahal na Birhen ang bawat debotong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio, suportado ng CBCP

 10,114 total views

 10,114 total views Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang hakbang ng Archdiocese of Lipa na maging international shrine ang National Shrine of San Padre Pio sa Santo Tomas Batangas. Sa ginanap na press conference ibinahagi ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na sinang-ayunan ng buong kalipunan ang aplikasyon ng pambansang dambana

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Cagayan de Oro, nagpapasalamat sa matagumpay na 128th-CBCP plenary assembly

 10,254 total views

 10,254 total views Nagpasalamat ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Panginoon sa paggabay sa matagumpay na makasaysayang pagtitipon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Mindanao. Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, biyaya ng Diyos ang pagkakataong ibinigay ng CBCP sa arkidiyosesis na pangasiwaan ang pagtitipon ng mga pastol ng simbahang katolika sa bansa. “We

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pastoral exhortation sa 5-dekada ng Alay Kapwa Program, hiniling ng Caritas Philippines sa CBCP

 10,261 total views

 10,261 total views Isinusulong ng Caritas Philippines sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagpapalabas ng pastoral exhortation sa ikalimang dekada ng Alay Kapwa program ng simbahan. Sa panayam ng Radio Veritas sinabi ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na mas pinalawak nito ang programang Alay Kapwa upang higit na makapaglilingkod sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 national shrines, itinalaga ng CBCP

 10,564 total views

 10,564 total views Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagtalaga ng national shrine ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Mercy sa Novaliches Quezon City at Diocesan Shrine of Our Lady of Assumption o Maasin Cathedral sa Leyte. Ginawa ang pag-apruba sa dalawang national shrines sa bansa sa unang araw ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

2 paring Cebuano, itinalaga ni Pope Francis sa Vatican

 12,937 total views

 12,937 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang dalawang Cebuanong pari sa mga tanggapan ng Holy See sa magkakaibang lugar. Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang pagtalaga ni Pope Francis kay Msgr. Jan Thomas Limchua bilang Counselor of the Apostolic Nunciature ng Kingdom of The Netherlands habang Attache ng Apostolic Nunciature of Ivory Coast naman

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panalangin, hiling ng Obispo sa ika-128 CBCP plenary assembly

 13,453 total views

 13,453 total views Humiling ng panalangin ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa matagumpay na pagpupulong ng mga obispo sa Archdiocese of Cagayan de Oro. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino chairperson, Antipolo Bishop Ruperto Santos, mahalaga ang panalangin ng mananampalataya para sa makabuluhan at mabungang pagtitipon na makatutulong

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagpapanibago ng puso ng mga taong nagsusulong ng digmaan, panalangin ni Pope Francis

 14,168 total views

 14,168 total views Hiniling ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ang pagpapanibago ng puso ng mga taong patuloy na nagsusulong ng digmaan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ito ang bahagi ng panalangin ng santo papa sa lingguhang general audience sa Vatican sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo na tinaguriang Sacred Heart of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Parangalan si Pope Francis, panawagan ng Papal Nuncio sa mananampalataya

 17,006 total views

 17,006 total views Inaanyayahan ng opisyal ng Vatican ang mga Pilipinong makiisa sa taunang pagdiriwang ng Pope’s Day sa June 29, 2024. Sa panayam ng Radio Veritas kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, inihayag nitong ito ang pagkakataong gunitain sa pamamagitan ng panalangin ang malaking tungkulin na ginagampanan ng santo papa sa simbahang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top