Bibliya, ginagamit sa pagbubuklod – Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 745 total reads

Nilinaw ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo na ang Bibliya ay ginagamit para pagbuklurin ang pamayanan.

Ito ang bahagi ng Liham Pastoral ng Obispo sa paggunita ng National Bible Month ngayong Enero.

Paliwanag ng opisyal na dapat hindi ginagamit ang Bibliya para magkawatak-watak ang lipunan bagkus gamitin ito upang ipahayag ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sanlibutan.

“Hindi natin ginagamit ang Bibliya upang tuligsain at kalabanin natin ang iba. Ang totoong paggamit ng Bible ay nagdadala ng pagkakaisa ng mga Kristiyano, at ibig ni Jesus na magkaisa ang lahat ng kumikilala sa kanya bilang Panginoon,” bahagi ng mensahe ni Bishop Pabillo.

Hinimok ng Obispo ang bawat isa na matutuhang magbasa ng Bibliya dahil ito ang pamamaraan na malaman ang salita ng Panginoon.

“Ang Bibliya ang katangi-tanging paraan na dumadating sa atin ang Salita ng Diyos, kaya kailangan nating pahalagahan ang Banal na Kasulatan,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng opisyal na ang Bibliya ay ginagabayan ng Espiritu Santo na may kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya’t dapat na maging bunga sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan ay pag-ibig at pagkakaisa.

Umaasa rin si Bishop Pabillo na magkaroon ng Bibliya ang bawat tahanan kasabay ng panawagang bigyang pahalaga at malawak na pang-unawa ang pagbabasa sa mga salita ng Diyos upang maibahagi sa sambayanan.

Aniya, sa pamamagitan ng Bibliya ay natuturuan din ang mananampalataya na magdasal sapagkat dito nagsasalita ang Diyos sa tao.

Matatandaang 2017 sa bisa ng Proclamation no. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017 itinalaga ang buwan ng Enero bilang National Bible Month habang ang huling linggo ng buwan ay National Bible Week.

Setyembre 2019 naman sa Liham Apostoliko ni Pope Francis na ‘Aperuit Illis’ sa paggunita ng ika-1600 anibersaryo ng kamatayan ni St. Jerome ang dakilang mag-aaral ng Bibliya itinalaga nitoa ng ikatlong Linggo ng Karaniwang panahon bilang ‘Sunday of the Word of God’.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 238 total reads

 238 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,729 total reads

 38,729 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 265,001 total reads

 265,001 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,466 total reads

 158,466 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,484 total reads

 252,484 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top