Bibliya, isasalin ng Simbahan sa Palawan sa salitang Cuyonon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,127 total reads

Ilulunsad sa Pebrero 2023 ng simbahan sa Palawan ang pagsasalin ng Bibliya sa salitang Cuyonon sa pakikipagtulungan ng Philippine Bible Society.

Ito ay bilang bahagi ng buong taong pagdiriwang ng lalawigan sa ika-400 taon ng pananampalatayang Kristiyano sa Palawan na nagsimula noong August 28, 2022 hanggang sa Agosto ng susunod na taon kasabay ng kapistahan ni San Agustin-ang patron ng Cuyo na unang dinayo ng mga Augustino noong 1622.

Ang Cuyonon ay ang lokal na wikang ginagamit sa bayan ng Cuyo- ang pinakamatandang bayan sa Palawan na unang itinanim ang binhi ng kristiyanismo.

Sa kasalukuyan ang Palawan ay binubuo ng may 994,101-libong populasyon na mayorya ay pawang mga katoliko na pinangasiwaan nina Bishop Socrates Mesiona ng Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa at Bishop Broderick Pabillo ng Taytay.

Ayon kay Bishop Mesiona, hangad din ng pagdiriwang ang pagbibigay diin ng simbahan ang pagiging Mabuting Katiwala o ‘good stewardship’ upang makapag-bigay inspirasyon sa pamayanan.

“Kasi parang ano namin na 400 years na kami, what now? Ano na ngayon? So parang bigyan naming diin na we should be good stewards kasi lalong-lalo na ah ano pa kami vicariate pa kami so dapat ma-encourage namin ‘yung mga parishioners namin to be good stewards. Sana naman, i-aspire din namin na time will come na maging diocese na rin kami.” Dagdag ni Bishop Mesiona sa programang Apostolic visit on-the-air ng Radio Veritas.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbisita ng Jubilee Cross sa bawat parokya at kapilya sa buong lalawigan ng Palawan.

Matatagpuan din sa isla ang Fort of Cuyo na tanyag sa mga turista na itinatag ng mga Espanyol noong 1680 upang pangalagaan ang mamamayan laban sa pang-aatake ng mga piratang Muslim. (with News Intern Jemimah Mae Mapa)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 47,988 total reads

 47,988 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 95,859 total reads

 95,859 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 199,807 total reads

 199,807 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 285,921 total reads

 285,921 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 353,743 total reads

 353,743 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top