Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

 22,886 total views

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto ng Tropical Storm Kristine.

Sa bahagi ng Camarines Sur, iniulat ni Caritas Caceres executive director, Fr. Marc Real na bagamat hindi malakas ang hangin, walang tigil ang malakas na ulan simula pa noong Lunes kaya’t marami na ring mga lugar ang nakakaranas ng pagbaha.

Ayon naman kay Caritas Libmanan executive director, Fr. Romulo Castaneda may naitala na ring pagbaha sa spillway at pagkawala ng kuryente sa ilang parokyang saklaw ng diyosesis.

“Okay lang sana ang hangin, pero grabe ang ulan. Hindi ito tumitigil simula pa kahapon. Marami na ang binabaha,” ayon kay Fr. Real sa panayam ng Radio Veritas.

Sa ulat naman ni Legazpi social action director, Fr. Eric Martillano, nagsagawa na ng mandatory evacuation ang ilang bayan sa Albay dahil sa epekto ng baha.

Bukod dito, may higit 400 pasahero ang stranded sa Tabaco Sea Port, at higit 600 naman sa Pioduran Sea Port.

Inilunsad naman ng Diyosesis ng Legazpi ang Parish Disaster Response Parish Disaster Response (PaDRe) Team upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga higit na apektado ng bagyo.

“Parish Disaster Response Teams were activated…to assist those in need – whether through providing space in the Parishes for the evacuees, food, or other resources,” ayon kay Fr. Martillano.

Samantala, tiniyak naman ni Daet SAC director, Fr. Jojo Caymo ang aktibong pagbabantay sa kalagayan sa mga bayan ng Camarines Norte, sa tulong ng Parish Social Action Ministries (PSAM).

Dalangin ni Fr. Caymo na ang lahat ay patnubayan ng Diyos, at iligtas sa anumang kapahamakang dala ng Bagyong Kristine. “We hope and pray for a better situation soon and less casualties with God’s unfailing protection. We will respond as the need arises,” ayon kay Fr. Caymo.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, at mga silangang bahagi ng Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.

Una nang umapela ang Diyosesis ng Virac, Catanduanes ng pananalangin ng Oratio Imperata upang hilingin ang kaligtasan ng lahat mula sa epekto ng Bagyong Kristine.(michael)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 78,997 total views

 78,997 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 95,169 total views

 95,169 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 134,880 total views

 134,880 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 194,642 total views

 194,642 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 206,933 total views

 206,933 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Another blessing for Radyo Veritas

 10,793 total views

 10,793 total views The Radyo Veritas Management is blessed to share another milestone of the organization–the new Radyo Veritas transmitter site in Longos, Meycauyan, Bulacan. It

Read More »

Eucharistic Renewal: A Call to Truth

 25,818 total views

 25,818 total views As Catholic communicators and members of the mainstream media, our sacred role is to tell the truth, the whole truth, even when it

Read More »

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 28,516 total views

 28,516 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Scroll to Top