Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 958 total views

Kapanalig, marami sa atin ang nagtatanong, bakit ba tayo nagkukulang sa bigas gayon ang ating bansa ay dating nangunguna sa rice production?

Alam niyo ba, tayo na ngayon ang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo? Ayon sa Grains: World Markets and Trade, isang report mula sa USDA Foreign Agricultural Service, napalitan na ng ating bansa ang Tsina bilang pinakamalaking importer ng bigas. Tinatayang aabot  ng 3.8 million metric tons ngayong 2023-2024 ang rice importation ng bansa habang magiging 3.5 million metric tons na lamang ang sa Tsina.

Iba-iba ang dahilan ng kakulangan ng bigas sa bansa. Isa na dito ay ang rice hoarding o pagtatago ng bigas sa merkado upang makontrol ang presyo nito. Ang tindi, hindi ba kapanalig, na may mga umiiral na rice cartel sa bansa na kayang imanipula ang presyo ng bigas?

Isa pa sa mga dahilan ay ang climate change. Ang laki ng epekto nito sa mga taniman ng bigas ng bayan. Dahil sa matinding weather changes, mas maraming baha, mas malakas ang mga bagyo, at mas mahaba ang tagtuyot sa maraming lugar sa bansa. Ang lahat ng ito ay malaki ang epekto sa produksyon ng bigas. At sa bawat pagdaan ng mga delubyong ito, mas maraming mga rice farmers sa ating bayan ang hirap makabawi.

Kulang din ang suporta ng pamahalaan sa mga rice farmers ng bansa. Marami pa sa kanila ang gumagamit ng mga makalumang paraan ng pagsasaka. Maraming mga makabagong teknolohiya at praktis ang hindi nagagamit at nagagawa ng ating mga magsasaka dahil hindi ito naibibigay o nai-introduce man lamang sa kanila.

Dahil dito, laging kulang ang produksyon ng bigas sa bayan. Kalbaryo na ng magsasaka ang pagtatanim ng bigas sa bayan sa harap ng maraming banta at hamon, pagkatapos ang mga cartel pa ay minamanipula ang presyo ng kanilang ani. Ang kumikita tuloy ay ang mga mandarambong, samantalang ang mga small-time farmers ng bayan, kahit gaano pa sila kasipag, barya lamang ang mahahawakan.

Kapanalig, dapat sugpuin na natin ang cartel ng katiwalian pati na rin ng kapabayaan sa sektor na ito. Mahirap na ang magsasaka, mas lalo pa silang pinahihirapan nito. Liban pa dito, ang mga mamamayan ay wala ng choice kundi bumili ng mahal na bigas – ito ang ating staple food na tumatawid sa ating gutom sa panahon ng kasalatan. Sa ating pagpapabaya sa rice farmers ng bansa, tinutulak natin sila lalo sa karalitaan. Taliwas ito sa turo ng ating Simbahan. Pangaral sa atin ng Evangelium Vitae: We have to state, without mincing words, that there is an inseparable bond between our faith and the poor. May we never abandon them.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,040 total views

 73,040 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,035 total views

 105,035 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,827 total views

 149,827 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,777 total views

 172,777 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,175 total views

 188,175 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 315 total views

 315 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,395 total views

 11,395 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,041 total views

 73,041 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,036 total views

 105,036 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 149,828 total views

 149,828 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 172,778 total views

 172,778 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,176 total views

 188,176 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,823 total views

 135,823 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,247 total views

 146,247 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,886 total views

 156,886 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,425 total views

 93,425 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,715 total views

 91,715 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top