Binyag, panawagan sa mga kristiyano na makiisa sa misyon ni Hesus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,170 total reads

Binigyang-diin ni Taytay Bishop Broderick Pabillo na ang binyag ay hindi lamang seremonyang panrelihiyon kundi malinaw na panawagan sa mga Kristiyano na makiisa sa misyon ni Hesus tulad ng pagsusulong ng katarungan at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa kanyang homiliya sa Kapistahan ng Pagbibinyag ng Panginoon, ipinaliwanag ng obispo na bagamat walang kasalanan si Hesus, pinili nitong magpabinyag bilang tanda ng pakikiisa sa makasalanang kalagayan ng tao.

Ayon kay Bishop Pabillo, ang binyag ni Hesus ay nagsilbing simula ng kanyang misyon para sa mundo.

“Ang ating binyag ay hindi lang ang pagtanggal ng ating kasalanan. Ito ay ang simula ng ating misyon na makiisa sa misyon ni Jesus,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag din ni Bishop Pabillo na sa pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan, hindi si Hesus ang nilinis ng tubig kundi ang tubig ang binigyan ng kapangyarihang maglinis ng kasalanan ng tao sa pamamagitan ng sakramento ng binyag.

“Hindi siya ang nilinis ng tubig, pero ang tubig ang binigyan niya ng kapangyarihan na maglinis ng ating kasalanan,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng obispo ang uri ng katarungang isinasabuhay ni Hesus na isang katarungang hindi marahas kundi mapagkalinga at mahinahon.

Dagdag pa ng obispo, ang misyon ni Hesus ay malinaw na nakatuon sa mga naaapi at isinasantabi ng lipunan kabilang ang mga dukha.

Hinamon naman ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na suriin ang kanilang katapatan sa binyag sa gitna ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan.

Nanawagan din siya ng konkretong pagkilos upang maging liwanag sa mundong binabalot ng alitan at kawalan ng malasakit.

“Hanggang ngayon natutuwa pa rin ba ang Diyos sa atin? Nananatili ba tayong tapat sa ating binyag? Madilim ang mundo dahil sa alitan. Dalhin natin ang liwanag ng pagmamalasakit sa kapwa,” ani Bishop Pabillo.

Binigyang-diin ng obispo na tulad ni Hesus, ang bawat binyagan ay may misyon, ang makiisa sa gawain ng Panginoon sa pagpapanibago ng lipunan sa pamamagitan ng kabutihan, katarungan, at malasakit sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 231,421 total reads

 231,421 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 263,152 total reads

 263,152 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 364,976 total reads

 364,976 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 405,539 total reads

 405,539 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 416,667 total reads

 416,667 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top