Bishop Alarcon, nagpapasalamat sa inspirasyon ni Nuestra Señora de Peñafrancia.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,032 total views

Umaasa si Caceres Arcbishop Rex Andrew Alarcon na nagdulot ng mas malalim na debosyon at pananampalataya sa mamamayan ang katatapos lamang na kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia.

Ikinalugod ng arsobispo ang pagbubuklod ng mga deboto hindi lamang ng Bicol region kundi maging mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na sama-samang dumulog sa Mahal na Ina tungo sa kanyang anak na si Hesus.

“I hope we felt and witnessed the presence of One much greater than ourselves, providing us inspiration and strength as returning pilgrims. Our Lady does not abandon us. She is indeed our Mother and Queen, bringing us and our prayers and petitions to her son Jesus, the Divino Rostro,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Alarcon sa Radio Veritas.

Labis ang pasasalamat ni Archbishop Alarcon sa lahat ng nakiisa sa pagdiriwang at sa mga nagtulong-tulong upang maisakatuparan ang mapayapa at maayos na pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon kung saan tampok ang ika – 100 anibersaryo ng canonical coronation sa patrona ng Bicolandia.

Noong September 20 ginanap ang reenactment sa pagputong ng korona sa imahe ng Birhen ng Peñafrancia sa Quadricentennial Arch ng Naga Metropolitan Cathedral na pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown kasama sina Archbishop Alarcon, Archbishop Emeritus Rolando Tria Tirona at Apostolic Nuncio to Israel and Palestine Archbishop Adolfo Tito Yllana.

“Our celebration of the Centenary of the Canonical Coronation of the miraculous image of Our Lady of Penafrancia was truly blessed. This was due to the concerted efforts of many who generously gave their time, effort and resources. And certainly, the wholehearted manifestation of devotion of the thousands of devotees, including the voyadores, and pilgrims who have come from near and far,” ani ng arsobispo.

Batay sa tala ng Naga City government halos isang milyong deboto ang nakiisa sa taunang traslacion sa imahe ng Mahal na Birhen at Divino Rostro noong September 13 habang nitong September 21 naman isa’t kalahating milyong deboto ang nakiisa sa fluvial procession ang pagbabalik ng dalawang imahe sa dambana ng National Shrine and Basilica Minore of Our Lady of Peñafrancia.

Bukod kay Archbishop Brown nakiisa rin sa pagdiriwang ang Bicol bishops sa pagdiriwang ng kapistahan sa patrona ng rehiyon kabilang na sina Legazpi Bishop Joel Baylon, Libmanan Bishop Jose Roxas, Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo, Virac Bishop Emeritus Manolo delos Santos, Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes habang dumalo rin si Cebu Archbishop Jose Palma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 43,755 total views

 43,755 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 76,837 total views

 76,837 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 105,188 total views

 105,188 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 172,920 total views

 172,920 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 193,021 total views

 193,021 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top