Bishop Bagaforo, inihalal na bagong chairman ng CBCP-ECID

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,864 total reads

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang bagong chairman ng Episcopal Commission on Interreligious Dialogue.

Si Bishop Bagaforo ang hahalili kay Prelature of Marawi Bishop Edwin de la Peña na magtatapos ang termino sa November 30, 2025.

Ang pagkakahalal sa obispo sa bagong tungkulin ay kasabay ng ginanap na 130th CBCP Plenary Assembly sa Anda Bohol.

Kilala si Bishop Bagaforo sa kanyang pamumuno sa pagsusulong ng kapayapaan, pakikipagtulungan sa iba’t ibang pananampalataya, at pagtataguyod ng katarungang panlipunan.

Naakma ang panibagong tungkulin ng obispo dahil sa kanyang malawak na karanasan sa pakikipag-ugnayan sa mga iba’t ibang grupo, relihiyon, at denominasyon, lalo na sa Mindanao.

“He will begin his new role with the Commission on Interreligious Dialogue as he concludes his term with Caritas Philippines, continuing his mission to promote unity, understanding, and cooperation among diverse faith communities across the country,” ayon sa anunsyo ng Caritas Philippines.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Bagaforo ang Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) at siya rin ang pangulo ng Caritas Philippines, ang humanitarian, development, at advocacy arm ng CBCP.

Magsisimula ang kanyang dalawang taong termino bilang pinuno ng Commission on Interreligious Dialogue sa Disyembre 1, 2025.

Samantala, si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza—na kasalukuyang vice chairman ng ECSA-JP at Caritas Philippines—ang itatalaga bilang kapalit ni Bishop Bagaforo sa dalawang posisyong ito.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 12,631 total reads

 12,631 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,758 total reads

 12,758 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 23,316 total reads

 23,316 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 79,722 total reads

 79,722 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 203,223 total reads

 203,223 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 287,429 total reads

 287,429 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,446 total reads

 175,446 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top