Bishop Pabillo, pinuri ng Franciscan missionary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,394 total reads

Inihayag ng Franciscan missionary sa Culion, Palawan, na isang magandang pagkakataon ang ginawang pastoral visit ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga malalayong isla na sakop ng bikaryato.

Ayon kay Fr. Andrew Litigio, OFM, ang pagdalaw ng obispo sa lugar ay naging daan upang makita ang tunay na kalagayan ng mamamayan at matulungan na maipaabot sa mga lider ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

“Maraming implications itong pagdalaw ni Bishop Pabillo. Hindi man naririnig ng mga namumuno sa ating gobyerno ang hinaing ng mga mamamayan sa remote areas, pero sa pagbisita ni Bishop, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na maidulog ang kanilang pangangailangan at napapakinggan ito ni Bishop, lalo na ang mga pangunahing pangangailangan,” pahayag ni Fr. Litigio sa Radyo Veritas.

Tinukoy ng pari ang kawalan ng maayos na daanan at mga tulay bilang ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng komunidad upang mapabilis ang daloy ng ekonomiya, partikular ang pagdadala ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan.

Ayon kay Fr. Litigio, sa pagbisita ni Bishop Pabillo, personal niyang nakita ang mga aspeto na kailangang tutukan upang matulungan ang mga mamamayan at maiparating ang mga ito sa mga lider ng bansa.

Gayundin, ang mga kapilya sa mga mission areas ay mahalagang ayusin, dahil ito ay nagsisilbing kanlungan sa mga pagdiriwang ng sakramento at sa tuwing may kalamidad.

Dagdag pa ni Fr. Litigio, “Ito rin ay pagsasabuhay sa diwa ng Synodality—magkaisang maglakbay bilang simbahan.”

“Ito ay bunga ng spirit ng Synod on Synodality at mga previous na panawagan ni Pope Francis na ‘go to the peripheries.’ Ang totoong misyon ng simbahan ay puntahan ang mga remote areas at ang mga nasa laylayan.” dagdag ni Fr. Litigio.

Ipinamalas din ni Bishop Pabillo sa kanyang pagbisita ang paggamit ng kanyang “baculo” (pastoral staff), lalo na sa pagtawid sa mga ilog at bilang pantungkod sa pagdalaw sa mga remote areas ng Northern Palawan.

“Ang paggamit ni Bishop Pabillo ng kanyang ‘pastoral staff’ ay hindi lamang ceremonial kundi experiential; ang layunin nito ay magbigay-alalay sa pagpunta, pagbisita, at pangangalaga sa nasasakupang kawan,” ani Fr. Litigio.

Ang San Isidro Mission Station sa Cagait, Culion, Palawan, ay pinamumunuan ng Order of Friar Minors at may limang nasasakupang lugar sa magkakahiwalay na mga isla, na tinatayang may higit 2,000 populasyon.

Mula nang maitalaga si Bishop Pabillo sa bikaryato ng Northern Palawan noong 2021, aktibo ito sa pagsasagawa ng pastoral visits sa mga nasasakupang lugar, kabilang na ang mga mission stations sa malalayong kanayunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,080 total reads

 56,080 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,406 total reads

 135,406 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,851 total reads

 168,851 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,149 total reads

 204,149 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,425 total reads

 428,425 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top