Bishop Santos, tiwalang hindi papayagan ng taga-Bataan ang pagbuhay sa BNPP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,883 total views

Tiwala si out-going Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na patuloy na maninindigan ang mga taga-Bataan na ipaglaban ang pangangalaga sa kalikasan mula sa mapanganib na enerhiya. Ayon kay Bishop Santos-na pamumunuan ang Diocese ng Antipolo sa susunod na dalawang buwan, hindi siya nababahala na iwan ang lalawigan bagama’t patuloy na tinatalakay sa kongreso ang muling pagbuhay ng nuclear power plant.

Ang hakbang ay una na ring tinututulan ni Bishop Santos dahil sa pinsalang magiging dulot sa mga residente gayundin sa kapaligiran. Sinabi na obispo na hindi siya nababahala lalo’t nagkakaisa ang pamayanan ng Bataan at pamahalaang panlalawigan sa pagtutol sa panukalang rehabilitasyon ng Bataan Nuclear Power Plant na sinusuportahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

bilang pagkukunan ng murang kuryente. “it is already in the mind and the heart of the diocese and of the province. Nothing to worry, at ipagpapatuloy ng kung sino man. At sapagkat ang maganda ay nagkakaisa ang simbahan at government.,” ayon kay Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Taong 2016 nang ipag-utos ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng Nuclear Energy Program bilang pagkukunan ng kuryente at taong 2022 nang lagdaan ang executive order 164 kung saan kabilang ang mungkahi sa muling pagsasaayos at paggamit ng BNPP.

Bukod kay Bishop Santos, tutol din si Bataan Governor Albert Garcia sa panukala sa halip ay iminungkahi na gamitin ang 50-taong gulang na pasilidad bilang cloud-computing at data storage facility.

Si Bishop Santos ay namuno sa diyosesis ng Balanga sa loob ng 13-taon at itinalaga bilang obispo ng Antipolo na kahalili ng nagretirong si Bishop Francisco de Leon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 14,331 total views

 14,331 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 37,483 total views

 37,483 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 107,597 total views

 107,597 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 182,209 total views

 182,209 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 261,296 total views

 261,296 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top