Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,522 total reads

Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45

Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and we shall be saved.” Ang mas magandang translation ay, “Panginoon, nawa’y mabalikdan ka namin; nawa’y makita namin ang iyong mukha, upang kami’y magkamit ng kaligtasan.”
Ang tawag ko dito ay “Panalangin ni Moises” na ang orihinal na inspirasyon ay galing sa Book of Exodus 34, ang kuwento tungkol sa paglalambing ni Moises sa Panginoon: “Kung matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, hindi ba puwedeng ipakita mo sa akin ang iyong mukha?” Sabi daw ng Panginoon, “Walang nakakakita ng aking mukha na mananatiling buhay. Pero dahil magkaibigan tayo, pagbibigyan kita. Dito ka tumayo sa may likod ng bato. Dadaan ako at tatakpan ko ang mukha mo. Pag nakalampas na ako, bumalikid ka, para makita ang aking likuran, ngunit hindi pa ang aking mukha.”

Parang yung reality singing contest sa The Voice ang naiimagine ko sa kuwento ng ating ebanghelyo tungkol sa pagdalaw ni Maria kay Elisabet. Di ba sa “The Voice”, nakatalikod ang mga upuan ng judges sa simula, kaya boses lang ng contestants ang pakikinggan nila. Pipindutin lang nila ang pindutan para umikot at humarap ang upuan sa kumakanta kapag nagandahan sila sa boses nito. Pag naakit ka nga naman parang hindi sapat na mairinig mo lang ang boses nya; siyempre gusto mo rin siyang makita.

Ang eksenang nabubuo sa imahinasyon ko, ay nakatalikod din si Elisabet nang dumating si Maria at tumawag ito sa kanya sa may bintana ng kusina. Kahit hindi pa sila nagkakaharap o nagkikita, nakilala na daw kaagad ni Elisabet ang boses ng pinsan niya. Ganyan naman talaga, di ba, pag malapit sa loob mo ang isang tao, kahit nakatalikod, nakikilala mo ang boses niya. May alam akong ama, kahit piringan mo ang mga mata niya at nakatalikod siya, papagsalitain mo lang nang konti ang bawat isa sa sampung anak niya, matatawag niya ang pangalan ng bawat isa batay lang sa boses.
Ang maganda sa kuwento ni San Lukas, hindi lang si Elisabet ang excited na nakarinig sa tinig ni Maria, kundi pati ang batang si Juan Bautista na nasa sinapupunan niya. Naglulundag daw ang sanggol sa tiyan niya. Parang hindi makahintay na lumabas ito para gampanan ang magiging papel niya sa kasaysayan ng kaligtasan, ang ipakilala sa bayang Israel ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos.
Hindi ba nakapagtataka kung bakit nasabi ni Elisabet kay Maria, “Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala rin ang bunga ng iyong sinapupunan.” Paano daw ba nangyari na ang mismong Ina ng kanyang Panginoon ang dumadalaw sa kanya? Hindi pa man siya isinisilang, kinikilala na agad ang sanggol sa tiyan ni Maria bilang Panginoon. Kay San Lukas, ang dalaw ni Maria ay dalaw ng Panginoon. Siya ang pinakaunang lumikha ng imahen ni Maria bilang THEOTOKOS, bilang tagapagdala ng Diyos, bilang Tabernakulo, bilang Kaban ng Tipan. Ang pagdadalang-tao niya ay sabay na pagdadalang-Diyos, kaya tinatawag natin siyang INA NG DIYOS.

Hanggang ngayon, marami sa mga kapwa Kristiyano natin ang nahihirapan na tanggapin ang ganitong bansag kay Maria, sa pag-aakalang dinidiyos natin siya. Malinaw naman sa atin na hindi siya Diyos. Ang Anak niyang si Hesukristo ang kinikilala nating Diyos na nagkatawang-tao sa pamamagitan niya.

Nang gabing iyon ng unang Pasko, nang isilang siya sa Bethlehem—hindi lang langit at lupa, hindi lang mga anghel at mga pastol, hindi lang mga tala at mga hayop, ang bumalikid kay Maria—ang lahat, ang buong sanlibutan ay bumaling sa kay Maria dahil sa sanggol na isinilang mula sa kanya: ang Anak ng Diyos.

Ito rin ang naging panawagan ni Juan Bautista nang ito ay isilang at lumaki bilang propeta: ang metanoia. Ang pagbaling ng kanyang pandinig at paningin sa direksyon ni Kristo, sa direksyon ni Maria, ang kaban ng bagong tipan.

VP Sara at asawa, may 51-baril

 4,120 total reads

 4,120 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 6,314 total reads

 6,314 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 6,206 total reads

 6,206 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 18,622 total reads

 18,622 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 68,018 total reads

 68,018 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 90,108 total reads

 90,108 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 189,929 total reads

 189,929 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 222,188 total reads

 222,188 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 1,942 total reads

 1,942 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »

THE SAINTS OF FRANCE COME ALIVE

 4,340 total reads

 4,340 total reads One of the most beautiful moments of Pope Leo’s visit to France was the spectacular presentation at the Stade de France, where some

Read More »

FOLLOWING POPE LEO IN FRANCE

 5,892 total reads

 5,892 total reads I have been following with great interest the news and social media posts on Pope Leo XIV’s Apostolic Visit to France. I must

Read More »

WHEN POLITICS BECOMES A FAMILY BUSINESS

 6,592 total reads

 6,592 total reads It has practically become a phenomenon all over the country. In many places, politics has become one of the most lucrative family businesses.

Read More »
Scroll to Top