Call for donations, inilabas ng CEAP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,163 total reads

Nanawagan din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin at ikalawang koleksyon sa mga Misa sa Hunyo 14 para sa mga biktima at sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad.

Nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan ang Catholic Educational institutions at Catholic Church Based Labor groups para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao matapos ang 7.8 magnitude na pagyanig noong June 08, 2026.

Nanawagan ng pakikiisa ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) para sa mga biktima ng malakas na lindol, kasabay ng panalangin para sa pamamayani ng pagtutulungan at pagkakaisa lalo na sa gitna ng sakuna kung saan maraming ari-arian ang nasira at patuloy na dumarami ang mga naitalang nasugatan at nasawi.

Gayundin, ipinanalangin ng CEAP ang kaligtasan ng mga emergency at first responders na patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations sa mga apektadong lugar.

“We pray for the safety of our communities, the strength of rescue and response teams, and the swift recovery of all affected areas. As one faith community, let us continue to accompany our brothers and sisters through our prayers and acts of compassion.” ayon sa mensahe at panalangin ng CEAP.

Samantala, nakiisa rin ang Church People Workers Solidarity (CWS) sa panalangin at pakikiisa sa mga biktima ng lindol, partikular sa paghingi ng proteksyon para sa mga apektadong komunidad at kaligtasan ng mga responders na nasa gitna ng emergency operations.

Nanawagan din ang CWS ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga church-based labor groups at ng sambayanan upang maiparating ang agarang tulong at pagkalinga sa mga biktima.

“Bless and protect those responding to this tragedy and guide their efforts. Inspire local and national leaders, that they may offer support in the long recovery ahead. And in each of us, Lord, inspire compassionate and loving action for every affected family. Above all, as your Body, guide us to a world without suffering, pain or despair; a world of full and everlasting life. Amen.” ayon naman sa panalangin at mensahe ng CWS.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga nasalanta, iniutos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagsasagawa ng second collection sa June 14, 2026 sa mga parokya upang makatulong sa agarang pagbangon ng mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 9,504 total reads

 9,504 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 45,469 total reads

 45,469 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,875 total reads

 101,875 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 225,115 total reads

 225,115 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top