CMSP, nanawagan ng panalangin at pakikiisa sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,836 total views

Nanawagan ng panalangin at pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) para sa mga pamayanang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Hunyo 8.

Sa pahayag, hinimok ng CMSP ang mamamayan na magkaisa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad na nagdulot ng pagkasawi, pinsala sa imprastraktura, pagkawala ng suplay ng kuryente, at pagkaantala ng komunikasyon sa ilang bahagi ng Mindanao.

“In this difficult time, let us come together in prayer for the safety, protection, and healing of all those affected,” pahayag ng CMSP.

Binigyang-diin ng samahan ng mga relihiyoso at relihiyosa ang kahalagahan ng malasakit at pagkakaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.

“May the Lord strengthen rescue workers, comfort displaced families, and grant wisdom to leaders and responders as they provide aid and assistance. Let us stand in solidarity with our brothers and sisters in Mindanao—not only through our prayers but also through acts of compassion and support,” dagdag ng CMSP.

Samantala, iniulat ni Diocese of Marbel Social Action Director Fr. Jerome Millan ang lawak ng pinsalang dulot ng lindol sa General Santos City at iba pang bayan sa Sarangani, kabilang ang pagkasira ng mga imprastraktura at kawalan ng suplay ng kuryente.

“Wala pa pong electricity sa General Santos City at ibang municipalities ng Sarangani province. Marami pong mga bahay at gusali ang nasira,” ayon kay Fr. Millan.

Batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 37 ang nasawi, 479 ang nasugatan, at apat ang nawawala.

Kaugnay nito, nagtungo sa Mindanao ang mga opisyal ng pambansang pamahalaan para sa relief at assessment operations, kabilang ang Department of National Defense, Office of Civil Defense, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Department of Education, at Department of Public Works and Highways.

Nanawagan din ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangin at ikalawang koleksyon sa mga Misa sa Hunyo 14 para sa mga biktima at sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 9,327 total views

 9,327 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 77,056 total views

 77,056 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 100,208 total views

 100,208 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 170,323 total views

 170,323 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 244,378 total views

 244,378 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top