Sambayanang Pilipino, hinimok ng CMSP na tulungan ang earthquake victims sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,638 total views

Hinihikayat ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang lahat na magkaisa sa pagpapaabot ng tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao.

Sa inilunsad na “CMSP CARES: Call for Donations for the Victims of the Mindanao Earthquake,” hinikayat ng organisasyon ang publiko na makiisa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad na kasalukuyang nahaharap sa pagsubok, kawalan ng katiyakan at kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan.

Ayon sa CMSP, ito ang panahon para magbuklod bilang isang komunidad ng pananampalataya at malasakit upang maipadama ang pagmamahal at awa ng Diyos sa mga nasalanta ng sakuna.

” In this time of tragedy and uncertainty, let us come together as one community of faith and compassion. The recent earthquake in Mindanao has left many families grieving, displaced, and in urgent need of assistance. “ Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Binigyang-diin ng samahan na sa pamamagitan ng mga donasyon ay makatutulong ang Simbahan na makapaghatid ng pagkain, malinis na tubig, pansamantalang matutuluyan, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya.

“As consecrated persons and people of goodwill, we are called to be instruments of God’s love and mercy. Through your generous donations, we can help provide food, water, shelter, medicines, and other essential needs for our brothers and sisters affected by this disaster. “ Ayon pa sa CMSP.

Paliwanag ng organisasyon mahalaga ang pakikibahagi ng lahat sa pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng lindol.
Iginiit din ng CMSP na anumang halaga o uri ng tulong ay malaking ambag upang makapagbigay ng pag-asa at agarang ayuda sa mga pamilyang apektado ng sakuna.

Bukod dito, patuloy ding hinihikayat ng CMSP ang mga mananampalataya na samahan ng panalangin at konkretong pagkilos ang mga pagsisikap na makatulong sa pagbangon ng mga komunidad na sinalanta ng lindol sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 190,522 total views

 190,522 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 220,745 total views

 220,745 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 247,390 total views

 247,390 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 342,363 total views

 342,363 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 351,040 total views

 351,040 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top