Pagsasabuhay ng synodality, nanatiling hamon sa simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,349 total reads

Iginiit ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula na ang tunay na pagbabago sa Simbahan ay nagsisimula sa pagbabalik-loob, at hindi sa mga estratehiya, programa, o istruktura.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagbubukas ng dalawang-araw na Catholic Christianity in the Philippines Conference na may temang “Lumina et Umbrae: Charting Synodal Pathways in the Philippines” sa University of Santo Tomas noong June 9.

Ayon kay Cardinal Advincula, nananatiling hamon para sa Simbahan sa Pilipinas ang ganap na pagsasabuhay ng synodality matapos ang Synod on Synodality noong 2024.

“The Synod fittingly reminded us that renewal begins not with strategies but with conversion,” ayon sa pahayag ni Cardinal Advincula.

Tinukoy ng arsobispo ang ilang “anino” o mga suliraning patuloy na kinakaharap ng mga Pilipino na nararapat tugunan nang magkakasama.

“There is the shadow of corruption that corrodes public trust and distorts the proper use of power. There is the shadow of disinformation that fractures truth and weakens the community. There is the shadow of persistent poverty that denies many of our people the fullness of human dignity,” ayon pa sa arsobispo.

Kinilala rin ng kardinal ang mga hamon sa loob mismo ng Simbahan, tulad ng clericalism, pagkakahati-hati, at kakulangan sa pakikinig sa mga layko, kabataan, at mga nasa laylayan.

“There is the shadow of clericalism that distorts ministry into privilege and weakens the baptismal dignity and co-responsibility of the faithful,” dagdag ni Cardinal Advincula.

Nagbabala rin si Cardinal Advincula laban sa pagiging makamundo ng simbahan, sa halip na ituring itong isang gawaing paglilingkod sa pangangailangan ng kapwa at isang misyon na ipalaganap ang Mabuting Balita.

“There is also the shadow of worldliness, when the constant pressure to perform and be productive turns our communities into corporations, our shepherds into managers, and our faithful into mere clientele,” ani ng kardinal.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang tugon ng mga Kristiyano sa mga suliranin ng lipunan ay hindi pagsuko kundi pagbabagong-buhay at matatag na pagsaksi sa pananampalataya.

“The Christian response to darkness is not despair, but witness. Our response to brokenness is not resignation but conversion. Our response to the sinful structures afflicting society today is not surrender, but courageous perseverance,” aniya.

Paliwanag din ng kardinal na ang synodality ay higit pa sa isang pamamaraan ng pamamahala sapagkat ito ay espiritwalidad ng sama-samang paglalakbay sa patnubay ng Espiritu Santo.

Binigyang-diin pa niya na ang kinabukasan ng Simbahan sa Pilipinas ay nakasalalay hindi sa dami ng mga programa o istruktura kundi sa lalim ng pakikipag-ugnayan kay Kristo.

“The future of the Church in the Philippines will not be determined by the sophistication of our research or the intricacy of our proposals, or the abundance of our structures, but by the depth of our conversion to Christ,” saad pa ni ni Cardinal Advincula.

Samantala, sinabi ni Prof. Marites Redoña, project head ng kumperensya, na mahalagang manatiling nakaugat sa karanasan ng mga mananampalataya ang pagsusulong ng synodality sa bansa.

Ayon kay Redoña, layunin ng isinagawang pag-aaral na pakinggan ang tinig ng mga Katoliko mula sa iba’t ibang diyosesis upang matukoy ang mga konkretong hakbang tungo sa higit na komunyon, pakikilahok at misyon sa Simbahan.

“Listening is not merely a research method. It is a profoundly ecclesial act,” ani Redoña.

Binigyang-diin din ni Redoña na ang pagtitipon ay hindi lamang paglalahad ng resulta ng pananaliksik kundi pati na rin ang pagpapatuloy ng proseso ng pakikinig at pagninilay.

“We gather not simply to report findings, but to ensure that synodal renewal remains grounded in the lived realities of our local Churches,” dagdag pa ni Redona.

Isa sa mga mahahalagang bunga ng pag-aaral ang paghihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga diyosesis na bumuo ng mga synodal research teams na patuloy na makikinig, magsasaliksik, magdidiskubre at sasamahan ang mga lokal na pamayanan sa paglalakbay.

Ayon kay Redoña, sa ganitong paraan ay nagiging bahagi ng pastoral na misyon ng Simbahan ang pananaliksik at hindi na lamang isang gawaing pang-akademiko.

Paliwanag din nitong pinili ang temang Lumina et Umbrae o Lights and Shadows sapagkat ang tunay na paglalakbay ng synodality ay nangangailangan ng katapatan, kababaang-loob at lakas ng loob upang kilalanin ang mga biyaya at hamong kinakaharap ng Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 10,797 total reads

 10,797 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 46,670 total reads

 46,670 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,076 total reads

 103,076 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 226,239 total reads

 226,239 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top