CBCP, nagpahayag ng panalangin at pakikiisa sa mga biktima ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,220 total reads

Nagpahayag ng pakikiisa at panalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao noong June 8.

Sa inilabas na mensahe ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera, ipinaabot ng kapulungan ng mga obispo ang pakikiramay sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at panalangin para sa agarang paggaling ng mga nasugatan at mga naapektuhan ng sakuna.

“We grieve with the families who have lost loved ones, pray for the speedy recovery of those who have been injured, and stand in spiritual communion with all those who have been displaced from their homes and livelihoods,” pahayag ni Archbishop Garcera.

Kabilang din sa mga ipinapanalangin ng CBCP ang mga rescue worker, medical personnel, ahensya ng pamahalaan, at mga boluntaryong patuloy na tumutugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamayanan.

Binigyang-diin ni Archbishop Garcera na sa panahon ng kalamidad ay tinatawagan ang Simbahan na maging tanda ng pag-asa at saksi ng pagkakawanggawa para sa mga nagdurusa.

“In moments such as these, we are reminded that the Church is called to be a sign of hope and a witness of charity. As one family in Christ, we cannot remain indifferent to the suffering of our brothers and sisters. Their pain is our pain; their loss is our loss,” ayon kay Archbishop Garcera.

Kaugnay nito, hiniling ng CBCP sa lahat ng diyosesis, parokya, religious communities, at Catholic institutions sa bansa na magsama ng natatanging Panalangin ng Bayan sa mga Misa sa darating na Linggo para sa mga biktima ng lindol at sa mga nagsasagawa ng rescue at relief operations.

Nanawagan din ang kapulungan sa mga obispo na magsagawa ng ikalawang koleksyon sa mga Misa sa June 14 upang makalikom ng pondo para sa agarang ayuda at rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad sa pamamagitan ng mga diocesan social action centers at Caritas Philippines.

“Let us continue to pray for one another and respond generously to this urgent call of Christian charity,” panawagan ni Archbishop Garcera.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 10,789 total reads

 10,789 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 46,662 total reads

 46,662 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 103,068 total reads

 103,068 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 226,232 total reads

 226,232 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,328 total reads

 176,328 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top