Candidates green scorecard, inilunsad ng GTC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 772 total reads

Inilunsad ng Green Thumb Coalition (GTC) ang Green Scorecard para sa nalalapit na Halalan 2022 na layuning alamin ang paninindigan ng mga kandidato sa pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon kay GTC Convenor at Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera, ang Green Scorecard ay malaki ang maitutulong sa mga kandidato upang mas mabigyang-linaw ang kanilang paninindigan hinggil sa mga usaping pangkalikasan.

Aniya, makatutulong din ito sa publiko upang mas makilala at mapili ang karapat-dapat na ibotong kandidato na tunay na magtataguyod para matugunan ang iba’t ibang krisis sa kapaligiran.

“It is very important for environmental groups to come together and influence elections because alam natin that kung sino ‘yung na-elect na lider, sila ‘yung humuhugis ng polisiya at sila ay nakakaimpluwensya kung saang direksyon dadalhin ‘yung ating kaunlaran. Kung sino ‘yung mahahalal na lider, sila rin ‘yung magtatakda [kung] gaano ba kalaki, kalalim, at kalawak ang pangangangalaga sa kalikasan,” pahayag ni Garganera.

Sakop ng Green Scorecard ang mga mahahalagang usapin tulad ng:

– Climate justice;
– Sustainable agriculture;
– Waste management;
– Mining extractives and mineral resource management;
– Biodiversity preservation and ecosystem integrity;
– Energy transformation and democracy;
– Natural resources and land use management and governance; at
– People-centered sustainable development

Mayroong nakalaang katanungan sa bawat paksa na dapat sagutin ng mga kandidato para sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo, at pagka-senador hanggang sa March 27.

Kasunod nito ay susuriing mabuti ng GTC ang mga tugon ng mga kandidato at saka isasapubliko sa April 8, halos isang buwan bago ang 2022 National Elections.

Samantala, ibinahagi naman ni Sanlakas Secretary-General Attorney Aaron Pedrosa na magmula nang mabuo ang GTC noong 2015, patuloy nitong itinataguyod ang layuning mapangalagaan hindi lamang ang inang kalikasan kundi maging ang kapakanan ng bawat mamamayan.

Kaya naman hinihikayat nito ang bawat isa na makibahagi sa layunin ng grupo ngayong darating na halalan.

“We urge everyone na samahan ang ating laban, sapagkat ang laban para sa kalikasan ay laban ng lahat – ang boto para sa kalikasan, ay boto para sa kinabukasan,” ayon kay Pedrosa.

Magugunitang naglunsad na rin ng Green Scorecard ang GTC noong 2016 at 2019 Elections upang magsilbing kamalayan sa mga botante hinggil sa mga plataporma ng mga kandidato para sa pangangalaga ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 26,559 total reads

 26,559 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 106,742 total reads

 106,742 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 200,968 total reads

 200,968 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 261,457 total reads

 261,457 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 273,989 total reads

 273,989 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,882 total reads

 70,882 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top