Cardinal Advincula, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa bagyong Karding

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 701 total reads

Nakiisa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyong Karding.

Batid ng Cardinal na may nasawi bunsod ng malakas na bagyo lalo na ang limang rescuer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office – Bulacan na nasawi sa flash floods sa San Miguel Bulacan.

Inalala rin ng arsobispo ang mga nawalan ng kabuhayan lalo na ang mga magsasaka na pinakalabis na apektado tuwing may malalakas na bagyo dahil sa malawakang pagbaha na sumisira sa mga pananim.

“Nananalangin tayo para sa lahat ng mga nasalanta, nasaktan, binawian ng buhay at nawalan ng kabuhayan. Nakikiramay tayo sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Dalangin ni Cardinal Advincula na sa tulong ng Panginoon ay magkaroon ng matatag na kalooban at malalim na pananampalataya ang mga biktima ng sakuna upang harapin ang pagsubok na dulot ng bagyo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) walo ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Karding habang tatlo ang nawawala.

Naitala ng Department of Agriculture ang mahigit sa isang bilyong pisong pinsala sa sektor ng agrikultura sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon at Bicol Region kung saan 82, 158 magsasaka at mangingisda ang apektado.

Umaasa si Cardinal Advincula na maging bukas ang puso ng bawat isa na lingapin ang mga nasalanta ng bagyong Karding.

“Marami nawang mabubuting tao ang magmalasakit at tumulong upang sila ay makabangon mula sa kalamidad na ito,” ani Cardinal Advincula.

Apela ng opisyal sa mamamayan ang pangangalaga sa kalikasan upang mapigilan ang climate change na nagdudulot ng pinsala dulot ng iba’t ibang uri ng kalamidad.

“Ang mga kalamidad na ganito ay nagpapaalala sa atin ng ating tungkulin na ingatan at pangalagaan ang kalikasan na binigay sa atin ng Panginoon. Sa ating pag-aalaga sa kalikasan, tayo din naman ang nakikinabang,” giit ni Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,432 total reads

 50,432 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 130,079 total reads

 130,079 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,526 total reads

 163,526 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,824 total reads

 198,824 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,360 total reads

 423,360 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top