Cardinal Advincula, nagpaabot ng panalangin sa pamilya ni Queen Elizabeth II

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 804 total reads

Nakiisa ang Archdiocese of Manila sa mamamayan ng Britanya na nagluksa sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

Ayon sa Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula, ang pagpanaw ay maituturing na ‘end of an era’ dahil sa mahabang panahong paninilbihan.

“We would like to extend our deepest condolences to the Royal Family, the citizens of Great Britain and the Commonwealth for the loss of their Sovereign, Her Royal Highness, Queen Elizabeth II. We offer prayers for Her Majesty and her loved ones. Her passing leaves a void in our collective minds and hearts and marks the end of an era, “ pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Pumanaw si Queen Elizabeth II sa edad na 96 taong gulang nitong September 8, 2022 kasabay ng Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria sa Balmoral Castle sa Scotland.

Inilarawan ni Cardinal Advincula ang reyna bilang matapat na anak, maybahay, ina at lola sa pamilya sa kabila ng kanyang Royal duty sa Great Britain at Commonwealth.

Pinuri rin ng arsobispo ang katatagan ng lider na sa pitong dekadang paglilingkod ay hinarap ang iba’t ibang hamon sa lipunan sa kapakinabangan ng nasasakupan.

“During her Reign of more than 70 decades, Queen Elizabeth II navigated the oftentimes tumultuous vicissitudes of history through sheer strength of character which is founded on her strong faith in God, thereby leaving an indelible mark on the English Monarchy and the world in general,” ani Cardinal Advincula.

Dahil sa pagpanaw ng lider, papalit sa posisyon ang panganay na anak na si King Charles III na nagsilbing Prince of Wales.

Tiniyak ni Cardinal Advincula sa bagong mamumuno sa Britanya at Commonwealth ang patuloy na panalangin sa ikatatagumpay ng panunungkulan sa tulong at gabay ng Panginoon.

“We also take this occasion to wish her successor, His Royal Highness, King Charles III, all the best as he takes on the mantle of father to his nation. Rest assured of our prayers as Your Majesty assumes the onus of the Crown,” dagdag ng Cardinal.

Si Queen Elizabeth II ang pinakamahabang naglingkod makaraang pumanaw ang ama na si King George VI noong 1952.

June 2, 1953 ang makasaysayang royal event na pagkorona ng reyna na isinahimpapawid sa telebisyon.

Una nang nakiisa at nakiramay ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II.

READ:

https://www.veritasph.net/queen-elizabeth-ii-was-a-woman-of-faith/

https://www.veritasph.net/pamahalaan-at-simbahan-sa-pilipinas-nakikiramay-sa-pagpanaw-ni-queen-elizabeth-ii/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,216 total reads

 34,216 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,488 total reads

 65,488 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,274 total reads

 143,274 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,502 total reads

 237,502 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,715 total reads

 296,715 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top