Cardinal Advincula, nanawagan ng circle of discernment para sa 2022 polls

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,594 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ituon ang sarili kay Kristo sa lahat ng aspeto ng buhay.

Ito ang mensahe ng cardinal sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari kung saan ang puso at damdamin ng bawat isa ay nakatuon ky Hesukristong nililitis sa harap ni Poncio Pilato at ng taumbayan.

“Nawa’y iluklok nating Hari si Kristo sa lahat ng aspeto ng ating buhay, lipunan, simbahan, tahanan, pamahalaan, pulitika, ekonomiya at kultura,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Tinukoy din ng Arsobispo ang nalalapit na 2022 National and Local Elections na isang natatanging pagsasanay at mahalagang kabanata sa kasaysayan ng bansa.

Iginiit ng Kardinal ang kahalagahan ng tungkulin ng bawat botante sa paghalal ng mga karapat-dapat na pinuno ng bayan.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na piliin ang katotohanang hatid ng Panginoong Kristong Hari sa pagpili ng mga mamumuno ng lipunan na may pagpapahalaga sa dignidad ng nasasakupan at pagsusulong ng kabutihang panlahat.

“Panalangin ko na mamayani sa ating lipunan ang paggalang sa dignidad ng tao (respect for human dignity), kabutihang pangkalahatan (common good), katarungang panlipunan at pagmamahalan (social justice and societal charity) at natatanging pagkiling sa mga dukha (preferential option for the poor),” giit ni Cardinal Advincula.

Ang panawagan ng punong pastol ng Maynila ay tugma rin sa layunin ng ‘One Godly Vote’ campaign ng Radio Veritas na palawakin ang voter’s education sa 63 milyong botante at tulungang kilalanin ang bawat kumandidatong indibidwal.

Isinusulong ng voter’s education campaign ng himpilan ang pagkilala sa katauhan ng mga personalidad na lumahok sa halalan bilang gabay sa paghalal ng mga taong isusulong ang kabutihan ng mga Filipino.

“Pananawagan ko’y bumuo tayo ng ‘Circles of Discernment’ upang marinig at masunod natin ang Banal na Kalooban ng Diyos; panalangin ko rin ay pumasok tayo sa isang masusing pag-aaral ng mga programa at plataporma ng bawat kandidato, suriin at balikan natin ang ating kasaysayan at matuto sa mga aral nito,” ani ng Cardinal.

Ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika sa huling Linggo ng Karaniwang Panahon bago ang Adbiyento o paghahanda sa kapanganakan ni Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 43,749 total views

 43,749 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 76,831 total views

 76,831 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 105,182 total views

 105,182 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 172,914 total views

 172,914 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 193,016 total views

 193,016 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top