Cardinal Advincula pinangunahan ang tree planting sa Capiz.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 489 total views

Umaasa si Manila Archbishop Elect Jose Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno ay unti-unti nitong matulungang mapanatili ang ating nag-iisang tahanan.

Kaugnay ito sa ginanap na tree planting activity noong ika-21 ng Hunyo sa Arkidiyosesis ng Capiz sa pangunguna mismo ni Cardinal Advincula bilang paglulunsad sa Cardinal Jose Advincula Grove of Philippine Native Trees.

Katuwang sa nasabing proyekto ang Pamahalaang Panlalawigan ng Capiz sa pamamagitan ng Capiz Provincial Environment and Natural Resources Office (CaPENRO) at Capiz Archdiocesan Social Action Commission (CASAC).

Isinagawa ang tree-planting activity sa Archbishop’s Residence sa Lawaan, Roxas City, Capiz, kung saan itinanim dito ang nasa 45 native trees na sumisimbolo sa ika-45 taon ng paglilingkod ni Cardinal Advincula.

Pangarap ni Cardinal Advincula, na isa ring makakalikasan at dalubhasa sa iba’t ibang uri ng punong-kahoy na magkaroon ng hardin na nakalaan para sa mga puno.

Layunin ng proyektong ito na maipalaganap ang aral na nakasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinggil sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Pinasalamatan naman ng Cardinal ang CaPENRO dahil naisakatuparan ang nasabing proyekto na makatutulong upang mapanumbalik at mapanatili ang sigla ng inang kalikasan.

Samantala, dumating na sa Maynila si Cardinal Advincula, dalawang araw bago ang pagtatalaga sa kanya bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila.

Ngayong Hunyo 24, 2021, gaganapin ang pagtatalaga kay Cardinal Advincula na isasagawa sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 97,357 total views

 97,357 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 127,580 total views

 127,580 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 154,229 total views

 154,229 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 249,202 total views

 249,202 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 263,875 total views

 263,875 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top