Cardinal Advincula sa mananampalataya: Ipanalangin ang mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 528 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na ipanalangin ang mga pinuno ng bayan upang maging tunay na lingkod para sa mas nakararami.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang.

Ayon sa arsobispo, paanyaya rin sa Pasko ang pagtawid mula sa pagiging makasarili tungo sa pagmamalasakit; pagdadamot tungo sa pagbabahagi at katigasan ng puso tungo sa pagbabagong buhay.

“Ipagdasal natin ang ating mga lider na matuto rin silang tumawid, buksan ang kanilang puso sa Diyos upang makatawid sila mula sa personal na interes patungo sa interes ng ating bayan; tumawid nawa sila mula sa mga nakahahadlang tungo sa tapat, buong puso at bukas palad na paglilingkod sa bayan,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ni Cardinal Advincula na nawa’y isaisip at isapuso ng mga lingkod-bayan ang Diyos, bayan at higit sa lahat ang mga dukha sa lipunan na kadalasang naisasantabi.

Ito rin ang apela ng arsobispo sa gitna ng patuloy na banta ng pandemya sa pamayanan at pananalasa ng bagyong Odette na labis ang epekto sa Visayas, Mindanao at Palawan.

Una nang hiniling ng simbahan sa mga lider ng bayan na isantabi ang pulitika at magkaisa sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan upang maibsan ang paghihirap na naranasang pinalala ng pandemya at kalamidad.

Umaasa si Cardinal Advincula na manaig sa puso ng mga pinuno ng bayan ang pagmamalasakit sa kapwa at isabuhay ang pakikibahagi sa misyon ni Hesus na lingapin ang higit nangangailangan sa lipunan.

“May they choose the greater value, choose the common good, choose dignity for all,” ani ng cardinal.

Sa pananalasa ng bagyong Odette sa Central at Southern Philippines, inatasan ni Cardinal Advicula ang mga simbahan ng Archdiocese of Manila na magsagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng kalamidad kung saan sa kasalukuyan umabot na sa mahigit apat na milyong piso ang nalikom na pondo na ipinamahagi sa siyam na apektadong diyosesis.

Tiniyak ni Cardinal Advincula sa mga biktima ng kalamidad at sa mamamayan ang pakikiisa ng simbahan sa bawat kinakaharap na hamon bilang pastol na tagapangasiwa sa kawan ng Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 98,200 total reads

 98,200 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 175,163 total reads

 175,163 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 208,611 total reads

 208,611 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 243,911 total reads

 243,911 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 466,664 total reads

 466,664 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top