Cardinal David sa ika-40 taon ng EDSA: “Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,888 total reads

Iginiit ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang puwang ang pag-abuso sa kapangyarihan sa isang demokrasyang nakasalalay sa tiwala ng bayan.

Sa kanyang homiliya sa ikapitong misa nobenaryo ng National Shrine of Our Lady of Peace o EDSA Shrine, sinabi ng kardinal na hindi nararapat mamuno sa bayan ang mga tiwaling opisyal.

“Walang karapatang mamahala ang sino mang sumisira sa tiwala ng bayan,” ayon kay Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na ang panunungkulan sa pamahalaan ay hindi pag-aari kundi isang pananagutan sa Diyos at sa mamamayan.

Iginiit ni Cardinal David na ang pundasyon ng pamamahala ay public trust.

Ipinaliwanag din ng kardinal ang kahulugan ng transparency at accountability sa mas payak na wika.

“Ang pinakamalapit na salitang Tagalog para sa transparency ay ‘walang tinatago,’ at para sa accountability ay ‘handang managot,’” ani Cardinal David.

Ayon sa kanya, hindi lamang mga lingkod-bayan ang dapat magsuri ng sarili kundi maging ang mamamayan.

“Imposibleng magkaroon ng good governance kung walang responsible citizenship,” paalala ng kardinal, sabay panawagan ng isang “moral reset” para sa bansa.

Kasabay ng pagninilay sa Unang Linggo ng Kuwaresma, pinaalalahanan ni Cardibal David ang mga mananampalataya na ang kapangyarihan ay ipinagkakatiwala at hindi inaangkin.

Dagdag pa niya, maaaring malinlang ang tao, ngunit hindi ang Diyos.

“Hindi tayo boss. Hindi tayo amo. Tayo’y katiwala… Pwede mong lukohin o pagtaguan ang bayan. Pero pwede mo bang lukohin o dayain ang Panginoong Diyos?” ayon sa kardinal.

Hinimok ng kardinal ang lahat na pangalagaan hindi lamang ang tiwala ng bayan kundi higit sa lahat ang tiwalang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa bilang mga katiwala ng Kanyang nilikha.

Kabilang din si Cardinal David sa mga tagapagsalita sa Prayer Power sa EDSA kabilang ang mga kilalang personalidad na kaisa sa pagsusulong ng pananagutan sa mga lider ng bayan.

Ito rin ay paggunita sa yumaong Jaime Cardinal Sin na noo’y arsobispo ng Manila na nanawagan sa taumbayan sa pamamagitan ng Radio Veritas na magtungo at magbuklod sa EDSA na naging mitsa sa tinaguriang bloodless at peaceful revolution na nagpatalsik sa diktaduryang pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 78,931 total reads

 78,931 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 113,529 total reads

 113,529 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 148,829 total reads

 148,829 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 375,098 total reads

 375,098 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 264,239 total reads

 264,239 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top